Ang pinakamagandang lugar ayon sa rider na nagawi na sa 50 out of 81 provinces sa Pilipinas

by Bernie V. Franco
Dec 13, 2021
Rider luzon to mindanao
Nasa bucket list ng rider na si Lemuel Castillo De Barbo ang mabisita ang 81 provinces sa buong bansa. So far, nagawi na siya sa 50 provinces.
PHOTO/S: Facebook (Lemuel Castillo De Barbo)

Kaya mo bang mag-road trip gamit ang iyong motor mula Luzon hanggang Mindanao sa loob ng anim na araw?

Ito ang ginawa ng rider na si Lemuel Castillo De Barbo, na ang naging starting point ng kanyang biyahe ay sa Las Piñas City, kung saan siya nakatira ngayon, with his hometown in General Santos City as his destination.

Nasa bucket list kasi ni Lemuel na mapuntahan ang 81 provinces sa buong Pilipinas.

Nang mag-road trip siya mula Luzon hanggang Mindanao nitong November, napuntahan niya ang 26 provinces sa ibat-ibang lugar.

Sakay ng kanyang Honda TMX Alpha 125, nagbiyahe siya mula November 13-19, 2021, at nabagtas niya ang kabuuang 2,576 kilometers.

lemuel castillo de barbo road trip

Continue reading below ↓

THE LUZON-MINDANAO ROAD TRIP

Kuwento ni Lemuel, dalawa ang objective ng kanyang road trip.

“Yung isang purpose po, meron po kasi akong personal lifetime achievement, which is mapuntahan ko yung 81 provinces sa Pilipinas.

“And ang pangalawang purpose ko naman po is mauwi ko yung motor ko diyan sa GenSan kasi palabas na rin po ako ng ibang bansa, e.”

Nagkuwento si Lemuel sa Morning Hataw, isang regional morning TV show sa General Santos City, mnoong December 6, 2021.

Lumuel Castillo De Barbo

Continue reading below ↓

PINAKAMAGANDANG LUGAR SA PILIPINAS

Sa kabuuan, 50 provinces na sa Pilipinas ang nabibisita niya ngayong taon.

Ibig sabihin, 31 provinces na lang ang natitira sa kanyang bucket list.

Nang tanungin kung ano ang pinakamagandang lugar na napuntahan niya, ang kanyang sagot ay Hinatuan Enchanted River sa Surigao del Sur, Mindanao.

Ito ay maikling stretch ng spring river pero may lalim na 80 feet, at wala pa raw nakakaabot sa bottom nito.

Kilala rin ang Hinatuan Enchanted River sa napakalinaw niyang tubig na dumadaloy papuntang Pacific Ocean.

At dahil na gitna ito ng jungle, tanging motor lang ang makakadaan sa dirt road at forested area.

Ang simula ng biyahe ay manggagaling either sa Butuan o Davao City.

Continue reading below ↓

Pero hindi niya na-maximize ang pamamasyal na iyon dahil masasayang daw ang isang araw.

Kaya naman balak niya itong balikan para maranasang maligo roon.

FIRST ROAD TRIP

Samantala, ang unang ride daw niya ay sa Isabela para kunin ang kanyang passport.

Pahayag ni Lemuel, pinagpaplanuhan niyang maigi ang kanyang biyahe.

“Bago ako mag-ride, tsinetsek ko muna yung mapa, tsinitsek ko rin yung weather, expenses.

“Tinitingnan ko din kung saan akong place puwede matulog, saan akong place puwede kumain.

“Usually, mga one week to two weeks pini-prepare iyon.”

Para sa kanyang recent road trip, umabot ng PHP8,000 ang kanyang gastos.

Kung tutuusin daw, kaya niyang matapos ang biyaheng Luzon to Mindanao ng tatlong araw.

“Pumupunta pa po ako sa hindi along the way na daan, ito-total mo lang talaga siya na Manila to GenSan na hindi ka na pupunta ng ibang lugar. Kaya naman ng three days.”

lemuel castillo de baro road trip

Continue reading below ↓

Buti na lang daw ay wala namang nangyayaring aksidente kay Lemuel.

Ang naranasan daw niyang problema ay napudpod ang kanyang sprocket o chainwheel. Pero marami naman daw siyang talyer at motor shops na nadadaanan along the way.

May payo naman si Lemuel sa mga nagnanais na gayahin ang kanyang ginawang road trip.

“Kung kaya ko, kaya niyo rin. Ang number one baon niyo, presence of mind, at mag-prepare po kayo.”

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasa bucket list ng rider na si Lemuel Castillo De Barbo ang mabisita ang 81 provinces sa buong bansa. So far, nagawi na siya sa 50 provinces.
PHOTO/S: Facebook (Lemuel Castillo De Barbo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results