This mini-resort has 3 tiny houses, bus house, pool: all for PHP15K

by Bernie V. Franco
Apr 27, 2022
Bus house
Isang quick escape sa Alfonso, Cavite na may tatlong tiny houses, isang bus house, at swimming pool.
PHOTO/S: YouTube (OG)

Matatagpuan sa Cavite ang isang mini-resort na may tatlong tiny houses.

Ito ang Madeline's Ville, isang 3,333-square-meter lot na may tatlong tiny houses, isang 24-square-meter swimming pool, at iba pang amenities.

Pag-aari ito ng mag-asawang Ariel at Girlie Villegas, at ang loteng kinatatayuan nito sa Alfonso, Cavite ay para sana sa kanilang retirement home.

Kuwento ni Girlie, “We acquired a lot in 2015 and originally ang plan namin is a retirement home for us, for me and Ariel, kasi pareho kaming mahilig sa provincial life.”

Pero kalaunan ay nagkasundo silang gawin itong mini-resort na maaaring rentahan ng mga bakasyunistang gustong takasan ang ingay ng siyudad at mag-relax malapit sa nature.

RESORT FEATURES

Bukod sa tatlong tiny houses, ang isa pang kakaibang feature ng resort ay mayroon itong isang fully furnished bus house na kayang mag-accommodate ng apat na tao—may tulugan, lutuan, at banyo.

Ang kanilang bus house ay inspired ng camper van na popular sa Western countries. Underway na rin ang pagpapagawa ng pangalawang staycation bus.

Continue reading below ↓

Ang bawat fully furnished tiny house naman ay may sukat na 15 square meters. Loft type ito na may double-sized bed at single sofa bed, at may kasama ring aircon at Wi-Fi.

tiny house

Continue reading below ↓

tiny houses

Bawat tiny house ay kayang mag-accommodate ng apat na katao.

MINI-RESORT WORTH MILLIONS

Ang construction ng structure ng bawat tiny house ay nagkakahalaga ng PHP300,000 at ipinagkatiwala sa isang newly graduate architect.

Ang interiors naman ay inasikaso ng pamilya ni Girlie.

Continue reading below ↓

“We are very proud to say na yung mga tiny house kasi, built with love, kasi it’s family effort. Lahat kami dito may contribution sa paggawa ng interior.

“For each unit, I can tell na PHP900,000 siguro.

"But yung interior niya is rough estimate would be around PHP150,000 for each. But the manpower, free po siya.

bus house

Continue reading below ↓

bus house

“Yung bus naman po we acquired it for PHP70,000 yung kaha.

“And then wala na po siyang makina.

“And then the interior, I should say rough estimate, conservative figure is PHP150,000 without manpower cost.”

Continue reading below ↓

Binanggit din ni Girlie ang presyo ng pagrenta sa kanilang mini-resort.

Ang tiny house ay may per-night rate na PHP2,500 for two persons at PHP3,000 for 3-4 persons per night.

Sa bus house naman ay PHP3,000 for two persons at PHP3,500 for 3-4 persons per night.

May family package din na PHP12,000 para sa tatlong tiny houses para sa 12 persons, kasama na ang pool usage at bonfire.

Nasa PHP15,000 per night naman lahat kung isasama ang bus house for 16 people.

Panoorin dito ang buong video:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang quick escape sa Alfonso, Cavite na may tatlong tiny houses, isang bus house, at swimming pool.
PHOTO/S: YouTube (OG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results