Meet Kach Umandap, dating OFW na nakalibot na sa 173 countries sa edad 33

by Bernie V. Franco
Jul 2, 2022
travel
Meet Kach Umandap, dating OFW na hangad maging kauna-unahang Pinay na nakapag-travel around the world. Ilan sa mga napuntahan na niya ay ang mga bansang Mongolia (L) at Zimbabwe (R)
PHOTO/S: @2monkeystravel on Instagram

Ang dating overseas Filipino worker na si Kach Umandap, 33, ay nakabiyahe na sa 173 countries and territories sa pitong kontinente ng mundo.

Bago matapos ang taon, balak niyang mapuntahan ang natitirang 43 countries.

Hayag ni Kach sa GMA Public Affairs noong April 2022, “Kapag natupad iyon, then I’ll make a record and become the first Filipina [with] a Philippine passport na makapagbiyahe sa lahat ng bansa sa mundo.”

Bago magka-pandemic, kumikita noon si Kach ng PHP500,000 o kalahating milyon kada buwan sa pagiging travel blogger.

Kumikita siya dahil sa ads sa kanyang blog. Naiisponsoran siya ng hotels, airlines, at nabibigyan ng pocket money ng brands na itinatampok niya sa kanyang blog.

Pero dahil sa pandemya, nabawasan ang kanyang kita at naging PHP100,000 hanggang PHP150,000 kada buwan.

Pero childhood dream talaga ni Kach ang libutin ang mundo.

south korea

Continue reading below ↓

Kach Umandap in South Korea

LIVING HER CHILDHOOD DREAM

Naging OFW muna siya, at nagtrabaho bilang quality assurance supervisor sa isang ospital sa Kuwait.

Pero noong 2013, nagbitiw siya sa trabaho.

“I was 24 years old, making really good money,” aniya sa ulat ni Rowen Soldevilla ng ABS-CBN News noong June 30, 2022.

“Pero parang nagku-quarter life crisis. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay, so I decided I’ll just take a break.”

Sinimulan niyang mag-travel noong 2014 at nagtuluy-tuloy na ito.

Sa pagta-travel niya rin nakilala ang kanyang nakapangasawa, isang British national na mahilig din mag-travel.

Sabi ni Kach, bago pa man daw dumami ang travel vloggers ay nauna na siya simula 2014.

Travel

Continue reading below ↓

Kach in Moldova, isang country sa Europe

Daan-daang libo ang kanyang followers sa social media accounts na 2monkeys.

Mayroon na rin siyang bahay sa Herceg Novi sa Montenegro, at may sariling travel and immigration services.

Nagsimula na rin ang kanyang travel program sa Kumu app ng ABS-CBN.

Sa kabila nito, sinabi ni Kach sa report ng GMA-7 na sa bandang huli, Pilipinas pa rin ang kanyang uuwian.

Sa katunayan, kahit saan man siya mapadpad ay mga Pilipino ang una niyang hinahanap.

“Hinahanap ko kung saan ako makakakain ng Filipino food,” nangingiti niyang sabi.

“Puwede mo akong tanggalin sa Pilipinas, pero hindi mo puwedeng tanggalin ang pagiging Pilipina sa akin.”

cheetah

Continue reading below ↓

Nagpa-picture si Kach kasama ang isang real-life cheetah sa Zambia

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Kach Umandap, dating OFW na hangad maging kauna-unahang Pinay na nakapag-travel around the world. Ilan sa mga napuntahan na niya ay ang mga bansang Mongolia (L) at Zimbabwe (R)
PHOTO/S: @2monkeystravel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results