Excited ka na bang mapaikli sa apat na oras ang biyaheng Manila to Bicol?

by KC Cordero
Jul 13, 2022
The new trains of Philippine National Railways
Kapag fully operational na ang PNR Bicol Express, mabilis na ang magiging travel time mula sa Manila at mga lalawigan ng Laguna, Quezon, Camarines Sur, at Albay. May extension line din sa Sorsogon at branch line sa Batangas.

Excited ang mahihilig mamasyal sa muling pagbubukas ng San Pablo-Lucena line ng Philippine National Railways (PNR) simula noong June 25, 2022.

Ang nasabing linya ay huling nag-operate noong October 2013.

Naglabas na rin ang Department of Transportation (DOTr) at PNR ng mga larawan ng mga tren na bibiyahe.

Galing China ang mga tren na gumagamit ng diesel sa makina, at kayang tumakbo sa bilis na 160 kilometers per hour.

Mayroon itong business seat, first-class seat, at second-class seat.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang 44-kilometer inter-provincial rail line na nagkokonekta sa Lucena City sa Quezon province at San Pablo City sa Laguna ay magpapaikli sa biyahe ng mga motorista.

Karaniwang inaabot ng isang oras ang biyahe pero magiging 30 minuto na lang kung sa tren sasakay.

Ang rutang San Pablo-Lucena ay bahagi ng PNR Bicol Express na isa sa mga proyekto ng nakaraang administrasyon.

Ang PNR Bicol ay may 560 kilometrong riles at 35 stations.

Continue reading below ↓

Mag-uugnay ito sa Manila at mga lalawigan ng Laguna, Quezon, Camarines Sur, Albay.

May extension line din sa Sorsogon at branch line sa Batangas.

Tinatayang aabutin lang ng mahigit apat na oras ang biyahe mula Manila hanggang Bicol kapag fully operational na ito sa 2027.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapag fully operational na ang PNR Bicol Express, mabilis na ang magiging travel time mula sa Manila at mga lalawigan ng Laguna, Quezon, Camarines Sur, at Albay. May extension line din sa Sorsogon at branch line sa Batangas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results