Extinct volcano in Pangasinan bound to become major tourist attraction

by KC Cordero
Jul 25, 2022
Photo of Mt. Balungao Hilltop Adventure resort
Bukod sa 45-degree Celsius sulfuric water hot spring at cold spring na pinaniniwalaang nakagagamot ng mga sugat, nakakapagpakinis ng balat, at nakatutulong sa fertility, maraming outdoor activities na pampa-relax sa Mt. Balungao. (Photos courtesy of Go Pangasinan)

Isa sa nagiging paboritong pasyalan ng mga lokal na turista sa Pangasinan ay ang extinct volcano na Mt. Balungao Hilltop Adventure.

Matatagpuan sa Balungao, Pangasinan, maberde at malamig ang kapaligiran ng resort.

The Mt. Balungao Hilltop Adventure resort

May hot and cold springs din ito na pinaniniwalaang may healing and calming effect.

Ayon kay Balungao Tourism Operations Office chief Cromwell Oliver Hernandez, nakapagtala na sila ng 47,000 tourist arrivals mula January hanggang June 2022.

Continue reading below ↓

Karamihan aniya ng mga turista ay nagmula sa Pangasinan, Tarlac, at Nueva Ecija.

Kumita na rin ang tourism industry ng Pangasinan ngayong taon ng PHP4.4 milyon.

Ani Hernandez, “The local government unit used to allocate funds for the resort.

“But now, the income of the resort contributes to the basic services provided by the LGU through its different departments.”

Bukod sa 45-degree Celsius sulfuric water hot spring at cold spring na pinaniniwalaang nakagagamot ng mga sugat, nakakapagpakinis ng balat, at nakatutulong sa fertility, may mga bagong amenities ang resort para sa mga turista gaya ng hotel at function hall.

Zipline at Mt. Balungao Hilltop Adventure

Continue reading below ↓

Trekkers at Mt. Balungao Hilltop Adventure
Ang mga turista ay maaaring sumabak at mag-enjoy sa zipline na may habang 2,000 feet, hiking, ATV driving, mountain biking, at bungee trampoline.

Ang entrance fee ay PHP50.

Ayon pa kay Hernandez ay plano rin nilang magdagdag ng mas maraming water sports activities gaya ng kayaking and water biking.

“We were supposed to launch the water sports activities but the pandemic happened so the budget was realigned.

Continue reading below ↓

“But hopefully, the LGU could fund it this year.”

Tinatayang nasa dalawang oras at 44 minuto (181.4 km) ang biyahe mula Manila hanggang Balungao.

Kung may sariling sasakyan, gamitin ang Subic Clark Tarlac (SCTEx) at ang Tarlac-Pangasinan La-Union (TPLex), at mag-exit sa Carmen Toll Plaza.

Kumanan at dumaan sa Rosales-Balungao-Umingan Road, at kumanan muli sa Napudot Road, ang barangay road na tutumbok na sa Mt. Balungao Hilltop Adventure.

Maaari ring sumakay sa Victory Liner bus sa Caloocan station.

Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa landline na (075) 518-2116, o sa mga mobile numbers na: 0917-729-1624 / 0932-535-8687 / 0917-828-1072 / 0919-406-6133.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa 45-degree Celsius sulfuric water hot spring at cold spring na pinaniniwalaang nakagagamot ng mga sugat, nakakapagpakinis ng balat, at nakatutulong sa fertility, maraming outdoor activities na pampa-relax sa Mt. Balungao. (Photos courtesy of Go Pangasinan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results