Watch Now

"Beach" sa Isabela na may fine sand, matatagpuan sa gitna ng palayan

by Mavell Macaranas-Dojillo
Nov 17, 2022
beach in the field
Ang 3S Island Beach Pool Mini resort sa Isabela ay pinalibutan ng fine sand para damang-dama ng mga bisita na malapit sila sa baybaying dagat.
PHOTO/S: 3s island Beach Resort / GMA News

Sikat ang mga isolated coastal towns ng Isabela tulad ng Palanan at Maconacon dahil sa naggagandahan nitong beaches.

Pero agaw-pansin ang isang bahagi na malawak na kapatagan ng probinsiya dahil meron itong beach vibes.

Sa Ramon, isa sa mga bayang sakop ng Magat Dam, may dinarayong pasyalan—ang 3S Island Beach Pool Mini Resort.

Ito ay isang “beach resort” na mahigit anim na buwan nang nagbibigay-kasiyahan sa mga pamilya at magbabarkadang nagnanais mag-relax at mag-unwind.

Noong una, isa lamang itong private na pahingahan para sa pamilya ng may-aring si Prelan Valencia.

Kuwento ni Prelan sa Dapat Alam Mo! noong Martes, November 8, 2022, nagsimula silang gamitin ang bahaging ito ng farm—na regalo ng kanyang mga magulang—para sa mga alagang manok, pato, at tilapia.

Aniya, “Dun ko po naisip na magtayo ng maliit na swimming pool kase yung mga anak ko, nagsi-swimming sila dun sa box ng tilapia."

beach in the farm

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalaunan, ginawa nila itong mini resthouse.

Nitong pandemya, naisip ng pamilya na iparenta rin ito sa mga naghahanap ng mapapasyalan nang hindi kailangang makihalo sa maraming tao.

Gamit ang ipon ng mag-asawa, naipatayo nila ang 4,000-square-meter resort sa gitna ng palayan.

Mayroon itong malawak na swimming pool para sa lahat na may disenyo pa ng sikat na Merlion symbol ng Singapore.

Mayroon din itong kiddie pool, jacuzzi, function hall, cottage, at private villa.

Mayroon din itong beach volleyball area para sa mga nais magpapawis.

Ang buong resort ay pinalibutan ng fine sand para damang-dama ng mga bisita na malapit sila sa baybaying dagat. Mahigit 15 trucks ng buhangin ang nagamit dito.

beach in the farm

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Best of both worlds ang sayang hatid ng resort dahil habang nakababad ang mga paa sa buhangin ay malalanghap ang preskong hangin ng kabukiran.

Ayon kay Prelan, ito ang dahilan kaya dagsa ang kanilang mga bisita.

“Iba po kase talaga ung ambiance dito sa bukid. Talagang mare-refresh ka sa presko na hangin, presko na view, makikita mo yung mga palayan.”

Ang entrance fee para sa mga nais mag-day tour sa 3S Paradise Private Pool ay PHP150; PHP100 naman para sa mga bata.

Ang rental fee sa mga cottage ay PHP500 at PHP1000.

Sa nais mag-overnight kasama ng pamilya o barkada, maaring rentahan ang private villa na may sariling swimming pool at jacuzzi sa halagang PHP4,999.

beach in the farm

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang 3S Island Beach Pool Mini resort sa Isabela ay pinalibutan ng fine sand para damang-dama ng mga bisita na malapit sila sa baybaying dagat.
PHOTO/S: 3s island Beach Resort / GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results