Japanese billionaire Yusaku Maezawa, isasama ang K-pop star na si TOP sa trip sa buwan

by Bernie V. Franco
Dec 9, 2022
yusaku maezawa TOP
Kasama ang K-pop star na si TOP (R) sa mga isasama ng Japanese fashion billionaire na si Yusaku Maezawa (L) sa outer space para libutin ang buwan.
PHOTO/S: YouTube (dearMoon)

Pinangalanan na ng Japanese billionaire at fashion mogul na si Yusaku Maezawa ang ilang sikat na personalidad na isasama niya sa outer space para ikutin ang buwan.

Kabilang rito ang K-pop star na si TOP (a.k.a. Choi Seung Hyun) ng K-pop group Big Bang at ang American-Japanese musician na si DJ Steve Aoki, ayon sa ulat ng Reuters.

yusaku maezawa TOP space travel

Japanese fashion tycoon Yusaku Maezawa at K-pop star TOP.

Sasakay sila sa SpaceX spacecraft na project ng business magnate na si Elon Musk.

"I feel great pride and responsibility in becoming the first Korean civilian going to the moon," ani TOP sa isang video na ipinost kasunod ng announcement ni Maezawa.

Sa isang recent video, ikinuwento ng K-pop performer kung bakit gusto niyang makapunta sa outerspace.

"I have always fantasized about space and the moon since I was young. I will fly to the moon because I want to feel the stimulation and enlightenment," sabi ni TOP sa video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TOP

SPACE TRAVEL PARA SA MAYAYAMAN

Si Elon ang founder, chief executive officer, at chief engineer ng SpaceX, ang spacecraft manufacturer, launcher, at satellite communications company sa California sa Amerika.

Ang target market ng kanyang outerspace vacation offering ay mga mayayaman, dahil "out of this world" din ang presyo nito.

Nang i-anunsiyo ni Elon ang plano niyang gawing commercialized ang pagpunta sa outer space noong 2018, nag-commit na rito si Maezawa at nagbigay ng “undisclosed deposit.”

Pero paniniyak ni Elon, ang deposit ni Maezawa ay “not a trivial amount.’

Si Maezawa at ang kanyang grupo ang mga magiging kauna-unahang passengers ng SpaceX rocket na lilibot sa buwan.

Ang space travel ay aabutin ng walong araw simula sa pag-alis ng rocket sa earth. Tatlong raw ang aabutin sa pag-iikot ng spacecraft sa buwan.

Bagamat naka-schedule na ito sa susunod na taon, may mga posibleng delays dahil patuloy pa ang tests sa spacecraft.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inaasahang sa 2023 mangyayari ang trip to the outer space.

Heto pa, pinakyaw na ng fashion tycoon ang lahat ng seats sa maiden lunar voyage.

Sa post ni TOP nitong Huwebes, December 8, makikita ang kanilang member crew na tinawag nilang dearMoon Crew Space Project.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama ang K-pop star na si TOP (R) sa mga isasama ng Japanese fashion billionaire na si Yusaku Maezawa (L) sa outer space para libutin ang buwan.
PHOTO/S: YouTube (dearMoon)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results