Dating homeless at palaboy si Kaila Sharlene Delos Reyes pero dahil sa pagsusumikap, naiahon ang sarili sa hirap.
Ngayon, nakalibot na siya sa 79 countries kasama ang 10-year-old son na si Wyatt Maktrav.
Ultimate travel goal ng sinuman ang makarating sa ibang bansa kaya’t marami ang humahanga kay Kaila, lalo at nakakasama niyang mag-around-the-world ang kaisa-isang anak.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kaila nito lamang Martes, July 11, 2023.
Ang kuwento niya, “Hindi ako galing sa mayamang pamilya. Mahirap lang kami at naranasan kong maging homeless at palaboy sa Quiapo, Manila. Tumira din ako sa orphanage.”
Sa kasalukuyan ay naninirahan sina Kaila at Wyatt sa San Pedro, Laguna. Nagtatrabaho si Kaila bilang freelance web designer/developer.
Tulad ng ibang magulang, nagpapakapagod siya upang hindi maranasan ng anak ang mga pinagdaanan niya.
“Nagsikap ako para marating yung estado ko ngayon, and I’m doing my best para hindi maranasan ng anak ko lahat ng paghihirap na naranasan ko nung bata ako,” saad ni Kaila sa PEP.ph
Read: Conjoined twins Joy and Joyce Magsino graduate from elementary with honors
WALANG IBANG LUHO KUNDI MAG-TRAVEL
Sanggol pa lamang si Wyatt nang magsimula silang bitbitin ito sa iba’t ibang lugar.
Pero nung una ay sa mga local destinations lamang sila pumupunta at karaniwan ay umaakyat sila ng bundok o nagka-camping dahil hindi ito gaanong magastos.
Kuwento ni Kaila, “Wyatt was just eight months old nung una namin siyang sinama sa bundok.
“He really enjoyed it kaya nasundan ng marami pa including the top 4 highest mountains in the Philippines.”
Ang second name ni Wyatt na Maktrav ay hango sa “Mt. Makiling Traverse” dahil sa hilig sa hiking ng kanyang magulang.
Ang kanilang unang out-of-the-country destination ay Vietnam, noong mahigit 4 years old pa lamang si Wyatt.
Read: Babaeng may 800 tattoos, hindi matanggap sa trabaho
Ang mag-ina sa kanilang pag-zipline sa South Cotabato
At ngayon ay nakapag-travel na silang mag-ina sa anim na kontinente, at nagbabalak na maikot ang buong mundo habang bata pa si Wyatt.
Ayon sa webpage ng bata, ang goal niya ay “to become the youngest person to visit all the countries in the world!”
Supportive naman si Kaila sa pangarap na ito ng kanyang anak.
Dagdag pahayag pa ni Wyatt sa webpage, “One time, I saw the Guinness World record for the youngest person to travel to all sovereign countries in the world at the age of 21. I was like, I think I can break that record! I told Nanay (my mom) about it and she said we can do it.”
Read: Sanggol na Filipino-American, bagong mukha ng Gerber food brand
Ang kasiyahan ng anak ang nagtutulak kay Kaila upang lalo pang magpursige.
Ayon sa kanya, “Biggest reward for me is yung makita ko yung anak ko na napakasaya at nag-e-enjoy.
“Ang sarap sa pakiramdam pag sinasabi niya sakin na ‘Nanay, I really like this.’ Then magsasabi ng, ‘I love you, Nanay!’”
Hindi rin umano sila maluho kaya’t kahit hindi mayaman ay na-a-afford nilang mag-budget para sa mga international travels.
“Yung mga damit namin, around 50 to 200 pesos lang max. Sa shoes naman nasa 500 to 800 pesos lang.
“Di kami bumibili ng mamahalin at branded kasi it serves the same purpose lang naman,” kuwento pa ni Kaila.
“Hindi rin maluho ang anak ko. Even simple things na normal naman sa mga bata, ayaw niya kasi nanghihinayang siya sa pera.”
“SPENDING MONEY ON EXPERIENCES IS WORTH IT”
Kumbinsido si Kaila na tama ang ginagawa niyang paglalaan sa kanilang travels imbes na sa ibang bagay.
Opinyon niya, “Napakarami mong matututunang life experiences when traveling. And of course, dala-dala mo na yun hanggang sa pagtanda mo.”
Mahaba ang listahan ng mga destinations na gustong balik-balikan ng mag-ina.
Dahil online naman ang kanyang trabaho at online schooling din si Wyatt, nagagawa nilang umalis ng bansa sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.
Ilan umano sa mga pinaka-memorable na bansang napuntahan na nila ay ang South Korea, Turkiye, Switzerland, Iceland, at Norway.
Habang ang mga dream destinations na hindi pa nila nalilibot ay ang Canada ,na balak nilang puntahan soon, at ang “Caribbean, Svalbard North Pole, and Antarctica.”
TRAVEL HACKS FROM KAILA
Aminado ang 32-year-old mom na hindi maliit na halaga ang nagagastos sa kanilang mga travels abroad.
Kaya they only started flying out of the country noong kaya na ng kanyang finances.
“Yes, money is a factor sa pagta-travel kaya it’s not applicable for everyone.”
“Nung una, ang afford lang namin is malapitang gala like Batangas, Rizal, Laguna, etc. kaya yun lang ginagawa namin.
"Pero dahil gusto namin i-level-up yung pag-travel sa ibang bansa, kailangan din i-level up ang income.”
Narito ang listahan ni Kaila ng travel tips na nakatulong umano upang makatipid siya at mas marami silang bansa na mapuntahan ni Wyatt:
- Yung airfare ay bunga ng matiyagang pag-abang ng seat sales/promo fares.
- Sa accommodation, we opt for apartments or homestays rather than hotels kasi mas mura. And aside from that, may kitchen na puwede magluto kaya nakakatipid din sa food. We seldom eat out. Lagi kami naggo-grocery lang ng lulutuing pagkain.
- Sa mga activities naman, we always DIY [do-it-yourself] kesa mag-join ng group tours.
- Nagre-rent kami ng sasakyan sa ibang bansa, self-drive. Mura ang car rentals sa ibang countries at mas marami ka pa mapupuntahan.
- We always use credit cards as much as possible para mag-accumulate ng points. And yung points naiko-convert namin into miles or shopping credit.
- I also signed up as an affiliate sa mga travel sites. Kaya pag may binu-book kaming activities and accommodation using my affiliate link, nagkakaroon din ako ng commission.
- We also take advantage sa mga “free stopover programs” ng mga airlines. For example, nung nag-book kami ng flight from Costa Rica to Colombia, may free stopover sa Panama for up to 1 week. Same nung nag-Manila to Morocco, may free stopover sa Saudi Arabia for up to 4 days. And yung Cape Verde to Madrid, Spain namin, may free stopover sa Portugal ng up to 1 week din. That’s like hitting two birds with one stone. Multiple countries na napuntahan for the same price ng airfare pag hindi nag-stopover.
- Yung mga magkakatabing countries, pinupuntahan namin in one trip para di magastos sa pamasahe kesa uuwi ng Pinas saka lalabas ulit.
- Pack light kasi isa sa nagpapamahal ng pamasahe is yung check-in luggage. Yung mga consumables, pwedeng dun na bilhin sa destination. Wear the heavier clothes and shoes pag sasakay ng plane para hindi dagdag weight sa baggage.