Kilala si Ian Veneracion sa kanyang mestizo looks, kaya naman maraming nag-aakalang hindi siya pure Filipino.
"Even now, yung mga foreigners, they ask me my nationality, sabi ko, ‘I’m a Filipino.’
"‘No,’ sasabihin nila, ‘No way.’
“Sabi ko, ‘Really, my parents are both Filipino, I’m a hundred percent Filipino, born and raised in the Philippines,’" kuwento ni Ian sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng upcoming concert niyang Ian Veneracion Live.
Ginanap ang mediacon nitong Lunes, Hulyo 24, 2023, sa Ballroom A ng Winford Resort & Casino Manila.
Read: Ian Veneracion admits most of his supporters are "titas": "I call them my Army of Titas."
Pagpapatuloy pa ni Ian, kahit daw mga kapwa Pilipino ay hirap tanggapin na siya ay one hundred percent Filipino. Kaya naman nakaka-relate siya sa sikat na kanta ni Sting na "Englishman in New York."
"It’s my favorite song,” sabi ng actor/singer.
“Kasi I’ve always felt like an Englishman in New York, an alien. Ah, anong lyrics nun? ‘Be yourself no matter what they say, I’m an alien, I’m a legal alien, I’m an Englishman in New York.’
“So, for example, I grew up in Las Piñas. Ever since maliit ako, kasi tisoy e, so akala nila iba ako. You know, akala nila anak ng foreigner, yung ganyan.
“Tapos, nagugulat sila kasi nagta-Tagalog ako. Tapos wala, yung mga kalaro ko parang iba yung tingin sa akin.
"Tapos ganun, I grew up in Las Pinas, in a modest neighborhood and akala nila kasi maputi, mayaman siguro.
“E, hindi. Alam mo yun? Iba yung hitsura sa mga kalaro ko e, yung ganun. So I’ve always felt like an alien somehow."
Read: Ian Veneracion recounts "kabadong-kabado" song number with Regine Velasquez
PROMOTING PHILIPPINE TOURISM
Samantala, ikinuwento rin ni Ian na madalas niyang i-promote ang Pilipinas sa mga foreigners.
Pakli niya, “I keep promoting the Philippines to them. I always ask, ‘Have you been to the Philippines?’ Sasabihin nila, ‘No.’
“I tell them about Hundred Islands, blah-blah-blah. And I know the Philippines from land, sea, and air, because I do boating, sailing, scuba diving sa dagat.
“Tapos, land, motor, road and off-road, I know the most beautiful roads here, and also mountain climbing.
“Sa air naman, yung skydiving, flying.
“So I know this country, yung lugar natin, and the more I travel, the more I realize how beautiful our country is."
Marami raw lugar sa Pilipinas na ma-a-appreciate mo kapag napuntahan mo na.
Paglalahad ni Ian, “I went to the Himalayas with my kids. We walked for seven days, sobrang lamig, pag tanghaling tapat, uupo ka kung saan ka masisinagan ng araw just to get some warmth.
"Tapos, pag natulog ka sa gabi, may katabi kang tubig, pag gising mo ice na siya. Katabi mo lang yun, ha? Manginginig ka talaga!
“So pagbalik ko ng Philippines nun, ang sarap! Tanggal ka ng T-shirt, nasa sala ka lang, yung ganyan, or nasa labas ka.
“So yun, small things that we take for granted, our climate. Kasi here, you can sleep under a tree and you wake up perfectly fine the next day.
“You do that in Chicago winter time, hindi ka na gigising. Or you do that in Dubai, sa sobrang init, di ba, pag araw naman.
“E, dito, we have the perfect climate. And we’re always maybe one or two hours away from the beach. Even if you’re in Baguio, you just go down an hour to La Union, nasa tabing-dagat ka na.
“So, it’s such a beautiful country."
Read: Meet Ian Veneracion's daughter Dids
Ngayon daw ay naiintindihan na niya kung bakit gusto ng foreigners manirahan dito.
Aniya, "It took me a long time to understand why foreigners, ang ambisyon nila [ay] mag-retire and go to a tropical country.
“Pero it’s something that, yun nga, sana mas ma-enjoy ng marami sa atin. Kasi hindi lahat sa outdoor activities.
"Pero if you’re living in the Philippines, hindi puwedeng hindi mo ma-explore yung outdoors, sobrang ganda!
“The most beautiful dive sites ng coral reefs, soft corals, hard corals, halu-halo, Tubbataha, Apo Reef, Anilao, ang ganda-ganda talaga dito.
“Kaya lang nga dahil kinalakihan natin, sanay na sanay tayo, parang, ‘Ah madaming isda, madami kang nakitang isda, okay.’
“Ganun lang, pero sa ibang… pag nag-scuba ka, for example, sa Europe, suwerte ka na raw makakita ng dalawa, tatlong isda, e. Sabi nila, sa isang dive suwerte mo na daw.
“Sabi ko, ‘Talaga?’
“E, dito sa atin sobrang dami!"
Natawa naman si Ian na napunta sa turismo at ganda ng Pilipinas ang sagot niya sa tanong namin tungkol sa kanyang favorite song, ang "Englishman in New York."
Bulalas niya, “Bakit ang daldal ko? Tinanong mo lang ako kung anong song, bakit napunta sa Tubbataha Reef? Ang layo yata!”
Ang Ian Veneracion Live ay gaganapin sa Agosto 12, Sabado, 8 p.m., sa ballroom ng Winford Resort & Casino Manila.
Ang concert ay sa direksyon ni Vergel Sto. Domingo. Tampok naman bilang guests sina Marissa Sanchez at Zach Ponce.
Ang ticket prices para sa Ian Veneracion Live ay PHP5000 (SVIP, with photo op kay Ian), PHP3500 (VIP) at PHP2000 (Gold).
Para sa mga detalye, makipag-alam sa mobile numbers 0927-297-8027, 0961-360-0457.