Perfect na sana ang picture ni Jonathan Baleos sa Basilica Cistern, tanyag na pasyalan na Turkiye, pero hindi niya napansing may tissue pala sa kanyang noo.
Si Jonathan ay isang overseas Filipino worker (OFW) at accountant na nakabase sa Doha, Qatar.
Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagpunta raw siya sa Turkiye nang mag-isa noong August 26, 2023, at binisita ang pamosong Basilica Cistern.
“It was a long queue bago ka makapasok at makabili ng ticket sa ticketing booth.
"Pumila for almost two hours na tirik na tirik ang araw. Mga 2:00 p.m. dun sa Istanbul.”
Sulit naman daw ang paghihintay ni Jonathan nang makapasok at masilayan ang ancient structure.
Aniya, “Nung pumasok na ako sa Basilica, nakakamangha."
Read: Student who went viral for asking UP to "reconsider me" graduates magna cum laude
Siyempre, hindi puwedeng hindi mag-picture! Nag-selfie si Jonathan. Pero kapag siya ang kukuha ng picture, hindi makukuha ang kagandahan ng istruktura sa background.
Sabi ng turista, “Pangit yung selfie lang. So, nakisuyo ako dun maki-picture kasi solo trip lang ako.”
Nakiusap si Jonathan sa isang local tour guide.
“Dami niyang photos na na-click,” ani Jonathan na tuwang-tuwa sa pag-aakalang wala nang aberya.
Pero napalitan ng pagkadismaya ang tuwa nang makita ang mga pictures.
“Tapos nung nag-check ako, ayun andami pa [kuha] tapos puro pala may tissue na naiwan sa noo ko!”
Bago kasi magpakuha ng larawan ay nagpunas muna ng pawis si Jonathan para magmukhang maayos sa pictures.
“I forgot to bring any hankies or face towel and meron lang ako was toilet paper na dinala ko from the hotel sa pocket ko. So habang nakapila ako nagpupunas ako pawis.”
Read: Lumang maleta binili sa antique shop for PHP5K, designer item pala; PHP1M ang halaga
Gayunpaman, ipinost pa rin ni Jonathan ang mga larawan niya.
Dahil mahilig siyang mag-solo trip, hindi na bago kay Jonathan na magpakuha ng pictures sa mga estranghero.
“Usually, yung pinakikisuyuan ko yung mga couple or solo traveler ding nahihirapan mag-selfie.
“Para may maganda silang shot nagvo-volunteer ako kuhanan sila. In return, makikisuyo din ako na piktyuran nila ako.”
Moral of his experience in Turkiye: “Dapat manalamin muna bago sumabak sa piktyuran para alam mo kung may dumi sa yong suot o mukha.”