Poe, Roxas, Binay, Santiago, Duterte reveal their stand on same-sex marriage

Two presidential candidates are not in favor, one is pro on same-sex marriage, two others raise legalities on said issue.


Isang presidential candidate ang pabor sa same-sex marriage, dalawa ang hayagang tutol dito, at dalawa naman ang idinaan sa legalidad ang usaping ito.

Kaugnay ito ng kontrobersiyang kinasangkutan ni senatorial aspirant at Sarangani Representative Manny Pacquiao na nagsabing “mas masahol pa sa hayop” ang mga taong pumapasok sa same-sex marriage.

Read: Manny Pacuiao clarifies he is not condemning LGBT, but their sexual act

GRACE POE. Nanindigan si Sen. Grace Poe na pabor siya sa same-sex marriage dahil ito raw ang magbibigay proteksiyon at benepisyo para sa mga nagmamahalang pareho ang kasarian.

Pahayag ng spokesperson ni Poe na si Mayor Rex Gatchalian, “Sen. Poe supports the right of two consenting adults to contract civil marriage, regardless of their sex.

“She believes that the basic human rights of individuals must be respected and protected. Laws should not discriminate based on sexual orientation.”

Base ito sa official statement ni Poe na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes, February 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan na ring nabanggit ni Poe ang kanyang pagsuporta sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community nang ianunsiyo niya ang kanyang kandidatura bilang presidente noong September 2015.

MAR ROXAS. Sa panayam ng DZMM noong February 17, tumangging magbigay ng pahayag si dating Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas dahil hindi raw niya alam ang konteksto ng kontrobersiyal na pahayag ni Manny.

Ngunit sa January 28 episode ng Wanted: President ng GMA Network, inihayag ni Mar na hindi siya pabor sa same-sex marriage.

Sabi pa ng former DILG secretary, “Subalit may kamag-anak ako na close na close who have partners.

“Nirerespeto ko sila. Minamahal ko sila. Tinatanggap ko sila.

“Bukas-puso, bukas loob ang aking pagtrato sa kanila.

“Pero ‘yan ang personal ko sa kanila.

“Bilang opisyal sa pamahalaan ay hindi.”

JEJOMAR BINAY. Maging si Vice President Jejomar Binay ay tutol sa same-sex marriage.

Pahayag ni Binay, sa ulat ng State of The Nation ng GMA News, “I will abide and follow on the position of the Catholic Church on that matter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa pa ni Binay sa kanyang kapartido sa United Nationalist Alliance na si Paqcuiao, “You have to go back to who’s Manny Pacquiao now.

“Maka-Diyos na maka-Diyos si Manny Pacquiao.”

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO. Sa parte naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, hindi direktang sinagot ng senadora nang siya ay hingan ng posisyon ukol dito.

Gayunman, si Santiago ang nagpasa ng amendment sa Article 26 ng Family Code of The Philippines, na nagbabawal na kilalanin sa Pilipinas ang same-sex marriage na isinagawa sa ibang bansa.

Nakasaad sa explanatory note ng naturang amendment na layunin nitong iwasto ang “misleading assumption” sa naturang batas “until society changes attitude while exhibiting compassion for same-sex relationships.”

Paliwanag pa ng media bureau representative ni Santiago na si Arvee Patria, “In the same law, there was conflict. The bill was not meant to discriminate LGBT.”                

Giit pa ng kampo ni Santiago, ipinasa rin ng senadora ang Senate Bill No. 1559 o Anti Sexual Orientation Discrimination Act, at Senate Bill No. 1871 na naglalayong magtayo ng LGBT Protection Desk sa lahat ng police stations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAYOR RODRIGO DUTERTE. Idinaan din ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa legalidad ang kanyang posisyon tungkol sa same-sex marriage.

“Personally, I cannot speak about legality because ang present laws natin governs [marriage between] man and a woman.

“So, leave it that way until such time the issue would come to a forefront.”

Sa kabila nito, iginiit ni Duterte na karapatan ng LGBT community na mabigyan ng karampatang proteksiyon laban sa anumang uri ng diskriminasyon, lalo na pagdating sa trabaho.

Nang hingan ng reaksiyon tungkol sa kontrobersiyal na pahayag ng Pambansang Kamao, ito ang naging sagot ni Duterte:

“I may disagree with what you said. But I will defend your right to say it. This is a free country. So Pacquiao is entitled to say it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN