Aiza Seguerra to campaign for Rodrigo Duterte for free

Kinuwestiyon ni Aiza Seguerra ang naging desisyon ng Supreme Court tungkol sa disqualification case laban kay Senator Grace Poe sa pagka-presidente. Pero wala naman daw problema sa kanya ang tungkol sa pagiging foundling ng senadora.


May nadagdag na naman sa listahan ng mga artistang sumusuporta sa kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para sa pagka-pangulo.

Ito ay ang singer-actor na si Aiza Seguerra.

Ayon sa Princess In The Palace actor, “But of course, I am very much for Duterte.

“Siguro hindi pa lang ako nakakapag-start, I really wanna focus my energy to campaign for him.”

Boluntaryo raw niya itong gagawin at walang bayad.

“Yes, voluntary, because hindi ako naniniwala…

“Kasi para sa akin, kapag binayaran mo ako para ikampanya kita, ibig sabihin nun, binayaran mo yung pagkatao ko, yung prinsipyo ko.

“Hindi ko kayang tanggapin yun, because I will campaign for the person I want to win hindi dahil sa pera.

"So, yes, I am for Duterte. My wife is for Duterte.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiza sa Summit Media office ngayong Huwebes, March 10.

Sinamahan ni Aiza ang partner nitong si Liza Diño na nag-shoot para sa PEPTalk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHY DUTERTE? Sa limang presidential candidates ngayong May 2016 elections, bakit si Mayor Duterte ang kanyang sinusuportahan?

Sagot ni Aiza, “Because I feel the sincerity and track record na lang.

“Sobrang kampante ako dahil hindi lang siya puro pangako. Pero may mga nagawa na siya.

“Hindi siya trapo. Hindi siya nandito para magpa-pogi sa sarili, hindi.

“He really wants to help the country.

“I feel his sincerity. I feel his passion na ayusin talaga yung bansa natin.

“He may be a strong man, he may be that, but aminin natin, ang tigas ng ulo nating lahat, di ba?

“Sinasabi natin, sa ibang bansa, ang mga Pilipino kaya nilang sumunod [sa batas].

“Bakit sa sarili nating bansa, hindi natin kayang sumunod?

“Kasi walang strong man, walang lider na nagpapasunod.

“So, ako, I believe he is that leader that we all want... we all need.

“Hindi man all we want, but he is the leader that we all need.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GRACE POE CASE. Samantala, kinuwestiyon naman ni Aiza ang naging desisyon ng Supreme Court tungkol sa disqualification case ni Senator Grace Poe.

Kinatigan kasi ng korte si Grace at ibinasura ang reklamo ng Comelec (Commission on Elections).

Read: Supreme Court says Grace Poe is qualified to run for presidency

Sabi ni Aiza, “Siguro ang question ko lang dun, kasi she swore under oath na, I think, 2013, six years pa lang yung residency niya that time. Parang kulang, e.

“About the foundling issue, wala akong ano dun… dun lang sa residency, dun ako nagtataka.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN