Heart Evangelista devotes free time campaigning for husband Chiz Escudero

Apr 6, 2016
<p>Ayon kay Heart Evangelista, nakakatuwa na nakakausap at nakasalamuha niya ang maraming Pilipino sa mga lugar na kanyang pinupuntahan upang ikampanya ang asawang si Francis 'Chiz' Escudero. Hindi raw siya napapagod na mag-ikot sa iba't ibang panig ng ba

Halos isang buwan na lang ang natitira para sa kampanya ng mga kandidatong tumatakbo sa 2016 elections. Kaya naman lagare na sa pag-iikot sa buong bansa ang national candidates.

Kabilang sa mga masugid na nangangampanya ngayon ay ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Tumatakbo ang mister ni Heart na si Senator Francis 'Chiz' Escudero bilang pangalawang pangulo, ka-tandem si Senator Grace Poe, na tumatakbo naman sa pagka-presidente.

Ayon kay Heart, tatlong araw sa isang linggo siya kung mangampanya.

“M-W-F nagti-taping ako, T-Th-S, umiikot ako.

“Tapos ako [sa taping] ng 1 A.M. something, ligo ako. Alis ako sa bahay ng 2:30 A.M., flight ako ng 4 A.M., balik ako ng 6 P.M.

“Uwi ako sa bahay ng 8 P.M., tulog ako, taping ulit.”

Kasalukuyang ginagawa ni Heart ang primetime series na Juan Happy Love Story para sa GMA Network.

Ano ang mga naririnig niya mula sa mga taong kanyang nakakadaupang palad?

Continue reading below ↓

Saad ni Mrs. Escudero, “Actually natutuwa ako, kasi ngayon lang naman talaga ako nakakaikot sa Pilipinas, talagang ang dami ko ng napuntahan.

“Kailangan ko na nga yatang mag-diet kasi lahat ang daming pagkain.

“Happy sila, kilig sila.

“I see Chiz… very normal, kasi noong umpisa, parang Chiz Escudero...

“Noong napangasawa ko na, nakilala ko, he’s a very normal person.

“And when I see and when I hear people, and they tell me what he has done for them that usually isn’t really announced, parang I appreciate Chiz even more.

“And I appreciate na tumutulong siya na hindi siya maingay.

“That’s not the usual thing in politics, so nakakatuwa.”

Hindi ba siya nahirapan sa pangangampanya dahil bigatin ang mga kalaban ng asawa?

Sagot ng 31-year-old Kapuso actress, “I’m very happy considering what we have.

Continue reading below ↓

“Hindi naman ano, mahirap talaga ang campaign, lalo na at mabibigat talaga ang kalaban mo.

“I mean, their families were in power before, Chiz as Escudero, senator is the highest position in the family.

“But yet binibigyan nila siya ng trust, he’s doing well, nakakatuwa because nakikita mo siya, kilala mo siya.

“Actually, 2007 pa lang sobrang crush [na] crush ko na siya.

“Team Chiz na ako 2007 pa lang, fan ako, e.

"So, nakakatuwa. Mas ginaganahan ka na ibabalik sa kanila [mga tao] yung serbisyo, ina-appreciate mo yung [tiwala nila].

“Even mga hindi may gusto sa kanya, parang gusto mo silang i-reach out, gusto mo silang kausapin.

“And, you know, you want to change their mind that’s what gives me the inspiration to go around.

“There’s some people that don’t like him, and they appreciate and see who you are, harap-harapan, so they changes their mind.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Heart sa pocket presscon ng Juan Happy Love Story kahapon, April 5.

WHAT IF? Paano niya ipinakikilala ang asawa sa mga taong hindi pa pamilyar dito?

Sabi ni Heart, “Actually, kung sino ako, yun si Chiz.

“I don’t think he would marry me if he wouldn’t agree my personality or my character.

“And the warmth in just holding their hands and smiling at them, is a mere image of Chiz, kasi ganun kami, e, [as husband and wife].

“That alone is big help. That alone is getting to know him, yun lang.

“Minsan ini-speaker ko siya, kasi pareho, sabay kami, separate kami [nangangampanya] para madami  ang mapuntahan.

“So, yun, happy sila.”

Paano kung hindi palarin ang asawa na manalo sa May 9 elections?

Ayon kay Heart, “As of now, siyempre we just wanna stay positive first.

Continue reading below ↓

“We don’t wanna entertain that.

“But, of course, when the day comes, ayun na nga, we look forward to the things that we can do together.

“Yun na lang siguro.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Ayon kay Heart Evangelista, nakakatuwa na nakakausap at nakasalamuha niya ang maraming Pilipino sa mga lugar na kanyang pinupuntahan upang ikampanya ang asawang si Francis 'Chiz' Escudero. Hindi raw siya napapagod na mag-ikot sa iba't ibang panig ng ba
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results