Dion Ignacio willing to campaign for Rodrigo Duterte for free

Naniniwala si Dion Ignacio na si Mayor Rodrigo Duterte ang sagot ng ating bansa sa laganap na kriminalidad sakaling mahalal na pangulo. Kaya naman umaasa siyang mabigyan ng pagkakataong maikampanya ang PDP-Laban presidential candidate at wala raw siyan


Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang susuportahan ni Dion Ignacio sa pagka-presidente ngayong darating na eleksyon.

Pahayag ng StarStruck alumnus sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Duterte ako, e. Maganda yung plano niya.

“Di ba, yun naman talaga ang problema [kriminalidad] dito sa Pilipinas, e.

“Yung nakakatakot lumabas. Tsaka ang daming adik.

“Karamihan ng mga gumagawa ng krimen, mga adik talaga, e, dahil wala sila sa sarili nila, e, para gawin yung mang-hostage, manaksak, pumatay, bumaril.

“Wala sila sa tamang pag-iisip nila.

“So, yun ang gusto kong ma-wipe out ni Duterte.

“Para tayo, safe tayo pag lumalabas, di ba?”

Willing ba siyang ikampanya ito nang libre?

Sagot ni Dion, “Oo naman!

“Kung bibigyan po ako ng pagkakataon, willing po akong mag-campaign para kay Mayor Duterte.

“Sana magkaroon ng chance.”

Nakausap ng PEP at ilang bloggers si Dion sa charity birthday celebration nito kasama ang mga lolo at lola ng Camillus Medhaven for the Elderly sa Marikina City, ngayong Lunes ng hapon, March 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOLA’S BOY. Ngayong araw mismo ang ika-30 kaarawan ni Dion.

Napili ng GMA Artist Center na bigyan nila ng kaunting kasiyahan ang mga nanunuluyang mga lolo at lola sa Camillus Medhaven for the Elderly kasama ang kanilang talent na si Dion.

Saad ni Dion tungkol sa pakikisalamuha niya sa mga lolo at lola, “Masaya at na-celebrate yung birthday ko dito sa home for the aged.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tuwing birthday ko naman, yung GMA Artist Center naman ay pinaplano nila lagi na mag-charity event po ako para makatulong at mapasaya yung matatanda po dito.

“Mukha namang masaya sila kanina. Happy na rin po ako.”

Aminado ang aktor na isa siyang proud lola’s boy.

“Sa lola ako, e. Pareho naman, pero yung lola ko kasi naalala ko...

“Bale medyo nung nagkaisip na ako, matanda na siya, mga 90.

“So, naaalala ko sa kanya yung ano… tuwing may sakit ako, may lagnat ako, lagi niya akong kinakantahan. Yung mga lumang kanta pa.

“Kapag kina-caress niya ako, parang gumagaan yung loob ko, parang gumagaan yung pakiramdam ko.

“Parang ganun yung lola ko, parang ganun yung powers niya sa akin.”

Ang wish naman daw niya sa kanyang kaarawan ay mas mahabang buhay at malusog na pangangatawan.

Sabi ni Dion, “Kagabi nga nagdasal ako, sabi ko, 'Wish ko Lord na sana bigyan Niyo po ako ng mahabang buhay, yung hindi po ako magkakasakit.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung dalawang yun ang mahalaga sa buhay ko at siyempre more blessings to come.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN