Duterte supporter Archie Alemania bashed for 'insensitive joke' about Mar Roxas

Archie Alemania, who supports Mayor Rodrigo Duterte for president, posts a photo with Sec. Mar Roxas, and jokingly put on the caption that Roxas is a "die-hard supporter" of Duterte.


Humingi ng sorry ang aktor na si Archie Alemania matapos siyang batikusin nang i-post niya sa Instagram ang "selfie" kasama si presidential candidate former DILG Secretary Mar Roxas.

Inilagay ni Archie sa caption na "die-hard supporter" si Roxas ni presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ipinost ni Archie ang nasabing larawan nitong Linggo, April 24.

Inilagay rin sa caption ng aktor na nangungulit lang siya subalit maraming netizens ang hindi natuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga tumawag sa kanyang "walang respeto," "bastos," at "insensitive."

Kasunod nito, humingi ng paumanhin si Archie sa ginawa niyang biro dahil marami ang hindi nagustuhan ang kanyang ginawa.

Paliwanag ni Archie via Twitter: “I’m just makulit at my captions, di ko intensyon mambastos ng kapwa.”

Sa kanyang social media accounts, kitang-kita ang mga sinusuportahang kandidato ni Archie ngayong 2016 elections—si Duterte sa pagka-presidente at si Leni Robredo bilang vice president.

Bukod sa kanyang Twitter, ipinost pa ni Archie ang isang “reminder” ngayong election, na nagpapaalala sa mga taong huwag hayaang masira ang pagkakaibigan dahil sa nalalapit na eleksyon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN