A dream come true for Lovi Poe



Inilunsad kamakailan sa SOP Gigsters sa GMA-7 ang bagong single ni Lovi Poe, daughter of the late National Artist Fernando Poe Jr., entitled “Everything You Wanted” na mula sa kanyang debut album The Best of My Heart under Sony-BMG.

Ang bagong awitin na ito ni Lovi ang ikatlong single mula sa album. It follows her debut single "I Love You" na nag-no. 1 sa RX 93.1 at ang second niya, ang ballad na "I Never Knew Love," na naging paborito sa mga sikat na FM radio stations sa buong Pilipinas.

Kakaiba ang “Everything You Wanted” sa naunang dalawang singles ni Lovi dahil isa itong bouncy dance tune. Gumawa rin si Lovi ng isang glossy music video kung saan naipamalas ang husay niya sa pagsayaw.

"I'm very happy and blessed at this point that I am achieving my dreams. What more can a 17-year-old girl ask for?" sabi ng magandang high school senior mula sa Colegio de San Agustin.

Malaki ang pasasalamat ni Lovi sa mga tumutulong sa kanya para umangat ang kanyang career, tulad ng GMA 7 at Sony-BMG Music. Isa pang boost sa career ni Lovi ay ang kanyang nominasyon sa SOP Music Awards sa kategoryang Solo Breakthrough Artist Category.

Nagsimula na rin siyang mag-taping para sa top-rated TV series na Bakekang kung saan gagampanan niya ang role ni Krystal, ang magandang anak ni Bakekang (portrayed by Sunshine Dizon).

Pangarap talaga ni Lovi na maging isang singer. Kahit na matagal na siyang hinihimok na pumasok sa showbiz at mag-artista, mas pinili niya na maging singer. Sa tingin niya kasi ay dito siya mas may kakayahan bagamat gusto rin naman niya ang pag-arte. Sa mga school presentations sa Colegio de San Agustin ay madalas na siyang nahihilingan mag-perform. Kaya dream come true sa kanya ang break na ibinigay ng Sony BMG Music para siya mag-recording.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN