Hero Angeles turns indie film director, producer



Abala ngayon si Hero Angeles sa ginagawang digital film at hindi lang siya artista dito, kundi producer at director na din.

"It's an independent film, a digital film,” sabi ni Hero. “Ginagawa pa lang namin ito kaya secret muna. It's not a love story, it's a horror movie at plan kong isali ito as entry sa ibang bansa. Ako ang producer at ako pa rin ang direktor.”

Ayon sa kanya, isang horror movie ang kauna-unahan niyang project dahil mahilig siya sa ganitong genre ng movie.

"I like watching horror movies at nag-e-enjoy ako kapag nakakatakot ang movie, 'yung nagsisigawan ang audience dahil sa takot. Kaya ina-apply ko 'yon sa unang movie na ginagawa ko. Ang totoo niyan ay lapitin ako (ng spirits), kaya 'yon. May nagpapakita sa akin kaya kung ano ang makikita ninyo sa movie, base 'yon sa mga nakikita ko kaya siguradong authentic ang gawa ko," kuwento niya.

Dagdag pa niya, "May mga kakilala akong mga direktor na sinabihan akong i-pursue 'yung pagdidirek kasi may potential daw ako. Minsan pina-try nila ako na kumuha sa kamera. Saka malaking tulong din ang kinukuha kong course na Fine Arts (sa UP) kasi doon ay nagpa-practice na ako dahil kasama sa subject namin ang videomaking pati na directing."

Nang tanungin siya kung gugustuhin pa niyang makapareha si Sandara Park, heto ang kanyang sinabi: "Di ko naisip 'yan eh, kasi siya naman ang nag-close na ayaw na niya akong makapareha. Choice naman niya 'yan, e. Siya kasi ang nag-decide na umalis noon kaya nawala ang tandem namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN