Kris Aquino di totoong papalitan ni Toni Gonzaga



May lumabas na balita na papalitan daw ni Toni Gonzaga si Kris Aquino sa pagiging host ng Kapamilya, Deal or No Deal sa ABS-CBN dahil buntis na nga si Kris.

Nang makausap namin si Leah Salterio, ang corporate communications director ng ABS-CBN, sa event na "A Flawless Christmas" sa SM North EDSA noong October 28, tinanong namin siya kung totoo ang balitang ito.

"No," pagtanggi ni Leah. "Heto nga, katatapos lamang naming mag-usap ng executive producer ng game show ni Kris at sinabi niyang hindi totoo. Liwanagin daw namin na hindi papalitan si Kris sa pagho-host ng Deal Or No Deal tulad nang nasulat. Although indefinite pa kung hanggang kailan ito tatagal at kung meron pa rin daw ito hanggang sa bago magsilang si Kris. Tuloy pa rin siya sa pagta-taping as host ng game show."

Nakatakdang manganak si Kris sa anak nila ng basketbolistang si James Yap sa May 2007. Si Kris din ang host ng daily noontime game show na GAME K N B? sa ABS-CBN din.

Si Toni naman ay host ng mga programang ASAP '06 at Pinoy Dream Academy sa ABS-CBN at Wazzup Wazzup sa Studio 23. Co-star niya si Luis Manzano sa primetime drama series ng Kapamilya network na Crazy For You.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN