Lovi itinangging mahirap siyang katrabaho



Masayang-masaya ngayon ang young actress-singer na si Lovi dahil nagsimula na siyang lumabas bilang si Kristal sa primetime drama series ng GMA-7 na Bakekang.

First drama show kasi ito ni Lovi kaya pinagbubutihan daw niya talaga. Iba raw kasi ang nauna niyang project sa GMA-7 na Love To Love: Jass Got Lucky na very light daw kumpara sa Bakekang na heavy drama.

"I felt a little nervous because I'll be working with new people again. Pati ang staff, iba lahat sila and the director. Kaya I want to make a good impression. So far, maganda ang working relationship ko with all of them. Nakaka-enjoy ang mag-work sa Bakekang kasi para kaming isang malaking family sa set," sabi ni Lovi sa panayam ng PEP sa kanya noong October 26 sa backstage ng PAGCOR Grand Theater kung saan ginanap ang Golden Screen Awards.

Samantala, may mga naglalabasang mga balita na mahirap daw katrabaho si Lovi. Madalas daw kasi siyang dumating sa set nang late kaya pinaghihintay niya ang kanyang mga katrabaho.

"That's not true po," pagtanggi ni Lovi. "First of all, why would I do that? Hindi naman po ako malaking artista para mag-demand ng kung anu-ano or magpa-late sa taping. Many people can attest to the fact na wala akong problema with them."

Aniya pa: "Saka nakakahiya naman po sa mga taong pinagkakatiwalaan ako. I know how to work professionally because ‘yan ang itinuro sa akin ng mga taong tumutulong sa career ko. Kaya whatever is coming out is certainly not true."

Si Lovi ay anak ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr. at modelo na si Rowena Moran.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN