John Prats at Mark Herras magkakasama uli sa Regal movie



Pagsasamahin muli ng Regal Entertainment sa isang movie ang young actors na sina John Prats at Mark Herras. First quarter of 2007 nakatakdang gawin ang pelikula na malamang ay may isang dance showdown dahil parehong magaling sa sayawan ang dalawa.

Nalaman namin ito mula kay John Prats nang makausap namin siya sa pictorial ng Super Noypi noong October 31 sa portfolio studio ni Raymund Isaac sa Makati City. Sinang-ayunan ito ni Mark na katabi namin that time.

Parehong nasa cast ng Super Noypi sina Mark at John kasama sina Jennylyn Mercado, Sandara Park, Katrina Halili, at Polo Ravales. Ang Super Noypi ang isa sa entries ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

Hindi pa alam nina Mark at John kung sino ang mapipili ng Regal na magdirek ng dance movie nila at kung sino ang kanilang makakasama. Pero ngayon pa lang, excited na ang dalawa sa muli nilang pagsasama.

First time magkatrabaho nina John at Mark sa Super Noypi at nabanggit ng una na gusto niya ang ginagawa ni Mother Lily na pagsamahin ang mga artista ng ABS-CBN at GMA-7 (si John ay taga-Dos at si Mark naman ay taga-Siete). Nabibigyan daw sila ng chance na magkakilakilala at maging magkakaibigan.

Samantala, inamin ni John that he's going steady with Miakka Lim, ang 20-year-old daughter ng former fashion model na si Olen Lim at former Alaska player na si Frankie Lim, na ngayon ay manager ng Talk N' Text PBA team. Nakilala niya ang dalaga through his sister, Camille Prats. Two months na ang relasyon nila ng La Salle student.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN