Alfred Vargas itatambal sa Malaysian beauty queen



"Sure na po sa November 12 ang pag-alis ko papuntang Malaysia," sabi ng sexy actor na si Alfred Vargas nang mag-guest siya ngayong ika-2 ng Nobyembre sa Unang Hirit, ang morning show ng GMA-7. "Doon po ang location ng taping ko ng afternoon drama na Now and Forever at ididirek ni Mac Alejandre."

Sa nasabing drama series, gagampanan ni Alfred ang papel ng isang Pinoy computer technician na madedestino sa Malaysia. "Doon po magugulo ang buhay ko nang ma-meet ko ang makakatambal ko sa afternoon drama. Hindi ko pa po alam yung pangalan ng magiging leading lady ko pero ang alam ko po ay beauty queen siya," kuwento ni Alfred.

Ayon pa kay Alfred ay hindi magiging mahirap ang communication nila ng kanyang Malaysian leading lady dahil "English-speaking siya kaya English din ang dialogue namin."

Ibinalita rin ni Alfred na ang drama series na pagbibidahan niya ay parehong ipalalabas dito sa Pilipinas at sa Malaysia. "Co-production venture ito ng Malaysian TV at ng GMA Network," dagdag pa ni Alfred.

Dahil isang beauty queen ang kanyang leading lady ay posibleng mabighani si Alfred sa kagandahan nito. Hindi kaya magselos ang girlfriend niyang si LJ Reyes?

"Hindi naman po dahil si LJ, siya ang ‘Miss Alfred' ng buhay ko," sagot ni Alfred. "Nag-usap po kami ni LJ na puwede naman niya akong bisitahin sa Malaysia, pero baka po hindi na mangyari. Tuloy po kasi ang classes niya sa La Salle at nagsimula na siyang mag-taping ng bago niyang afternoon drama sa GMA-7, ang Makita Ka Lang Muli ng TAPE, Inc. Mami-miss ko po siya, pero trabaho muna."

Aniya pa: "Itutuloy naman namin ang pagpunta namin sa New York to spend New Year with her mommy Lalaine. Nakaplano na kaming umalis ng December 27, pagkatapos po naming mag-Christmas dito."

Ngayong November 3 ay magtatatlong buwan na ang relasyon nina Alfred at LJ Reyes, ang runner-up sa "artista search" program ng GMA-7, StarStruck 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN