Zsa Zsa Padilla magaling na pagkatapos ng kanyang operasyon



Kung hindi mababago ang plano, sa November 12 na ang balik ni Zsa Zsa Padilla sa Sunday noontime musical variety show ASAP '06 ng ABS-CBN pagkatapos ng kanyang bladder bypass operation last October 18. Si Zsa Zsa mismo ang nagbalita namin nito sa Golden Screen Awards na ginanap noong October 26 sa PAGCOR Grand Theater ng Casino Filipino.

Ayon pa kay Zsa Zsa, nagulat daw ang attending doctors ng singer-actress dahil mabilis siyang gumaling sa ginawang major operation sa kanya na tumagal ng seven hours.

After a week nga'y dumalo na si Zsa Zsa sa 3rd Golden Screen Awards for Movies at personal na tinanggap ang kanyang best actress trophy for musical and comedy category para sa pagganap niya sa Ako Legal Wife.

Pinayuhan lang daw siya ng doktor na huwag munang masyadong mag-e-exert ng effort sa pagpe-perform para ‘di siya mabinat. She's also required to submit to a kidney check up every three months para maagapan sakaling bumalik ang kanyang sakit.

Samantala, natapos na rin ni Zsa Zsa ang shooting ng film adaptation ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeeh mula sa Regal Entertainment na nakatakdang ipalabas sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN