Lorna Tolentino pinalitan si Dina Bonnevie sa 'Mano Po 5'



Pinalitan na ni Lorna Tolentino si Dina Bonnevie sa papel na Yolanda sa fifth installment ng Chinese epic Mano Po 5: Gua Ai Di (I Love You), official entry ng Regal Films sa darating na Metro Manila Film Festival.

After so much speculation, Lorna finally stepped in to the character that Dina has already started—ang ina ni Angel Locsin sa said Joel Lamangan movie. Naka-isang araw na ng shoot si Ms. D for the movie and this equates to several scenes na.

Ayaw na sanang tanggapin ni Dina ang pelikula dahil busy na siya sa kanyang business plus the fact that she has started a new soap for ABS-CBN, ang Walang Kapalit starring Claudine Barretto and Piolo Pascual. Nahihiya lang daw si Ms. D na hindi nga tanggapin ang role dahil si Angel—ang girlfriend ng kanyang anak na si Oyo Boy Sotto—ang magiging anak niya rito. Aniya, baka gawan ng issue kung magdi-decline siya. Maganda naman daw ang papel ng character sa pelikula.

Coming back from the Australian taping of Walang Kapalit, it was reported na dinugo si Dina and upon medical check up, she has an ovarian cyst that has to be treated. Dahil dito, kinailangan siyang pagpahingahin.

From the production side, kung maghihintay daw sila sa kalagayan ni Ms. D, baka hindi ito umabot sa deadline; Mano Po 5 being one of the nine remaining festival entries this December after another film, Short Time, dropped out.

A search for the role of Yolanda started at ang isa sa in-offer-an muli ng role ay si Lorna. Before Dina accepted the movie, according to several sources involved in the production, na-offer na rin pala ito kay Ms. LT kaya lang, hindi nagkaayos sa schedule and budget.

Bago pa rin ito tinanggap ni Ms. LT, sinigurado na muna niyang Ms. D has finally declined to continue the movie para hindi maulit ang hindi nila pagkakaintindihan three years ago, ironically in another Mano Po movie, ang Mano Po 2: My Family.

Pinaglabanan din kasi noon ang character na third wife ni Christopher de Leon at ina naman ni Richard Gutierrez at napunta ito kay Lorna. This time, kahit para kay Dina na talaga ang papel, kay Lorna pa rin napunta ang role sa ending.

Ms. LT will reshoot all the scenes na nagawa na ni Ms. D for the movie starting this Saturday, November 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN