Melanie Marquez idinemanda ang talent manager



Pormal nang naghain ng demanda ang Miss International 1979 na si Melanie Marquez laban sa mga may-ari ng Pureform Cosmetic Products at sa talent manager na si Richard Hiñola.

Bandang 9 a.m. on November 2, nagpunta si Melanie sa Quezon City Prosecutor’s Office upang ihain ang criminal case laban sa mga ito.

Pagkatapos ihain ang kanyang demanda ay dumiretso si Melanie sa mini-presscon ng ini-endorse niyang beauty product na New Placenta ng Psalmstre Enterprises, Inc sa Sulo Hotel, Quezon City. Halatang mainit pa rin ang ulo ng actress-model dahil sa walang tigil na pagsasalaysay ng mga pangyayari na naging dahilan kung bakit siya nagdemanda.

Ayon kay Melanie, wala raw niyang pahintulot ang paggamit ng kanyang pangalan at larawan sa campaign promotions ng kakumpitensiyang beauty product na Renew Placenta ng Pureform Cosmetic Products.

“Nakiusap ako kay Richard na alisin nila ako sa promo nila [Renew Placenta] dahil di naman nila ako endorser at alam nilang produkto ng Psalmstre ang iniindorso ko. Umoo naman siya at ipu-pull out daw ang poster at aalisin ang picture ko at pangalan ko,” kuwento ni Melanie.

“Pero nagulat ako dahil nag-presscon sila at ginamit pa rin ako,” pagpapatuloy niya. “Hindi lang yon, pati yong kontrata ko at presyo ko bilang endorser ay lantaran nitong [Richard] ipinakita sa press na nandodoon.”

Alam daw ni Richard na confidential ang kontrata kaya nainsulto si Melanie sa ginawa ng una.

“Ang sabi pa nga niya, bakit ako nakikialam sa laban ng dalawang kompanya. Hindi sa nakikialam ako, pinakikialaman ko lang ang pangalan ko dahil nag-e-endorse ako ng New Placenta ngayon at existing ang kontrata ko sa kanila,” paliwanag niya.

Idiniin ni Melanie na ang kontratang pinirmahan niya noong nakaraang taon upang mag-endorse ay para sa Psalmstre at hindi sa Pureform. Itinanggi niyang naging endorser siya ng Renew Placenta.

“Psalmstre yon at hindi Pureform kaya mini-mislead nila ang tao,” sabi pa niya. “Sinasabayan nila ang iniindorso kong produkto. Anong ibig sabihin non? Tapos nagbalingbing siya [Richard] sa kabila para sirain ang produkto na iniindorso ko?”

Dagdag pa niya, “Talagang ipinapahiya niya ako dahil ipinablish niya ang kontrata ko pati ang presyo ko. Doon ako nanginginig, nanggigigil. Hindi ako nagtatalak para makihalo. Hindi ako nakikihalo sa gulo na yan. Problema nila yan e, pero huwag nila akong idamay. Huwag nilang isabit ang pangalan ko na dahil hindi ko kailanman inindorso ang kompanyang yan!

“So, ang ginagamit nila ay yong kanilang campaign but I’m not under Pureform, I'm under Psalmstre and I can prove that in court, that I'm under contract by Psalmstre. Up to now, ini-endorse ko pa rin ang New Placenta by Psalmstre pa rin. Doon ako na-offend, di niya [Richard] nakita yon.”

Sinabi rin ni Melanie na hindi damay sa kanyang demanda ang endorser ng kalaban niyang produkto, ang young actress na si Pauleen Luna.

“Hindi dapat ikumpara sa akin ang mga artist models. But the mere fact na involved ako ay ipinaglalaban ko lang yung karapatan ko kung bakit pilit na isinasama nila ang pangalan ko sa kanilang produkto,” sabi niya.

“Alam mo, everybody has the right and this is the right time that I have to fight. So they have to be answerable and accountable to the things that they have done to me. In-offend nila ako and that’s a criminal offense. Kasi nakiusap na ako, pero di pa rin nila ni-recognize ang pakiusap ko. Inilagay pa nila doon ang picture ko kaya I have no choice.

“Kasi maliwanang na binabalahura nila ang kredibilidad ko, ang pangalan ko. Kumbaga, binastos nila ako, wala na nga silang respeto sa akin kaya it’s about time. I have nothing against them but what is there against me para balahurain nila ako? “

Ayon pa kay Melanie, gusto niyang mag-public apology si Richard at ang Pureform “to retract everything that they have created.”

Dagdag pa niya, “Do it right kasi pangalan ko ang kinakaladkad niya. Linisin niya na hindi ako ang nag-endorse ng produktong ito under Pureform.”

Bago ang demandang isinampa ni Melanie noong November 2 ay may nauna nang demandang inihain ang aktres at ang kanyang abogadong si Atty. Teodulo Punzalan ng Punzalan & Associates Law Office. Ito ay damage suit laban pa rin sa Pureform Cosmetic Products at kay Richard na isinampa nila noong October 30 sa isang korte sa Quezon City.

“Yung damage suit na yon is taken from the fact na ginamit si Melanie dahil ginagamit siyang endorser ng product ng Pureform,” ani Atty. Punzalan. “Ngayon naman ay solo case against Richard kasi isa siyang party doon sa kontrata ng contract service. Tungkol sa kontrata na yon ay existing up to the present at hanggang 2007 ng Psalmstre, Hiñola and Melanie, existing yon. This was administered by Mr. Eligio B. Lofranco.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN