Girlfriend ni CJ Muere nag-audition sa 'StarStruck'



Nakilala ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ang girlfriend ng StarStruck Batch 2 runner-up na si CJ Muere. Ito ay si Maui Zeta, isang Filipino-mestiza na co-star ni CJ sa sitcom na Ay, Robot! ng QTV-11.

Ayon kay CJ, nang una niya raw nakita si Maui sa set ng Ay, Robot! ay na-in love daw siya kaagad dito. Parang hindi na raw niya kayang pakawalan si Maui at kailangang ligawan na niya at baka may makauna pa sa kanyang iba.

"Ang ganda-ganda kasi niya," kuwento ni CJ sa PEP noong November 2 sa taping ng Ay, Robot! sa Broadway Centrum. "Tapos noong maging close kami, I found out na mabait din siyang tao. Kaya parang perfect na siya ang maging girlfriend ko. Mabuti na lang at pumatol sa akin. Nabola-bola ko rin kahit papa'no!"

Sey naman ni Maui (Mary Rose Zeta in real life) ay nabaitan din daw siya kay CJ noong una niya itong makilala. Hindi naman daw niya alam na manliligaw ito sa kanya.

"Akala ko nakikipagkaibigan lang," sabi ni Maui sa taping din ng Ay, Robot! "Yun pala, manliligaw siya. Okey lang kasi mabait si CJ. He's such a gentleman. I'm lucky to be his girlfriend. Kasi bihira ang mga tulad ni CJ na maalaga sa mga karelasyon nila."

Almost six months na raw ang relasyon ng dalawa, ayon kina CJ at Maui. So far, wala naman daw silang nagiging problema.

Kasama nila sa Ay, Robot! ang nabalitang ex-girlfriend ni CJ na si Ryza Cenon, na naging Ultimate Female Survivor ng StarStruck Batch 2. Ano naman kaya ang reaksiyon ni Ryza sa relasyon nina CJ at Maui?

"Hindi ko alam kasi hindi naman kami nagkakausap masyado ni Ryza," sabi ni CJ. "Nagkakaroon lang kami ng interaction kapag may eksena kami sa Ay, Robot! I don't know about Maui kung nagkakausap sila ni Ryza."

Ibinalita rin ni CJ na nag-audition para sa StarStruck: The Next Level ngayong taon si Maui. Ipinagdarasal ng young actor na sana ay makapasok ang kanyang girlfriend sa 14 finalists kagaya niya.

"May karapatan naman siya kasi very talented siya. Kung makakapasok siya, tutulong ako sa pagboto sa kanya," ani CJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN