Richard Hiñola sinagot si Melanie Marquez



Nagpa-interview ang talent manager na si Richard Hiñola sa Startalk noong November 4 upang ibigay ang kanyang panig kaugnay ng kasong isinampa sa kanya ng actress-model na si Melanie Marquez. Ito ay may kinalaman sa diumano'y paggamit ng pangalan at larawan ng dating Miss International ng Pureform Enterprises para sa produkto nitong Renew Placenta.

Habang nililinaw ni Richard na hindi niya sinira ang kredibilad ni Melanie gaya ng ipinaparatang ng huli ay ipinakita ng talent manager ang poster kung saan hawak ni Melanie ang mga produkto ng Renew Placenta.

Sabi ni Richard: "For your information, Miss Melanie, hindi ka nasira dito. Hindi nasira ang pangalan mo. You should be thankful pa nga dahil ibig sabihin nun magaling kang endorser. Kinuha ka sa Renew Placenta at nag-endorse ka uli ng New Placenta.

Dagdag pa niya: "Ibig sabihin ay marunong kang mag-endorse ng product. It doesn't question your credibility here, you' are credible as an endorser. Ang kailangan lang, maliwanagan ang tao [that] you endorsed Renew Placenta before and now, [you are endorsing] New Placenta. So, ‘yon lang naman ang gustong malaman ng publiko e."

Sa ginanap na presscon ng New Placenta noong November 2 sa Sulo Hotel ay ipinagdiinan ni Melanie na ang Renew Placenta na iniindorso nito noon ay gawa ng Psalmstre Enterprises at hindi ang karibal nitong Pureform.

"Oo, endorser ako ng Renew Placenta noon pero produkto 'yon ng Psalmstre and not Pureform," paglilinaw ni Melanie. "Ngayon ay mayroon akong contract na hindi ako pwedeng mag-endorse ng competitive products and I can prove in court that I'm under contract with Psalmstre.

"Tapos na ang kontrata ko sa Psalmstre na Renew Placenta noon kaya di na dapat pag-usapan. But still, gawa yon ng Psalmstre at hindi ng Pureform kaya mini-mislead nila ang tao. Siya [Richard] ang advertiser namin, siya ang gumawa ng kontrata at existing pa ito hanggang 2007, pero lumipat siya sa kabila para sirain ang produkto na iniindorso ko," giit ni Melanie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN