Sandara Park at Joseph Bitangcol may LQ dahil sa baguhang singer?



May ilang nakapansin na may kaunting lovers' quarrel ang magkasintahang sina Sandara Park at Joseph Bitangcol noong promo ng album na Hotsilog sa Zirkoh Timog noong November 2. Ayon sa mga nakasaksi ay sweet ang dalawa sa harap ng kamera, pero nawawala ang ngiti ng Korean young actress kapag tapos na ang interview sa kanila.

Ayon sa balita, pinagseselosan ni Sandara ang baguhang recording artist ng Ivory Records na si Mayo Suzuki dahil pinupormahan daw ito ni Joseph noong nagkasama ang dalawa sa isang show. Lalo raw na-insecure si Sandara dahil may hawig ang Filipino-Japanese na si Mayo sa Pinoy Big Brother Teen Edition big winner na si Kim Chiu na siyang itinatapat ngayon sa kanya sa ABS-CBN.

Posibleng nakarating daw kay Sandara ang pagbigay ni Joseph ng bouquet of roses kay Mayo nang nagkaroon ang huli ng album launch sa SM Fairview noong October 30. Bukod dito ay nag-request pa raw ang young actor na maka-bonding ang baguhang singer pagkatapos ng kanilang show.

Noong ika-30 ng Oktubre, nakausap namin si Mayo sa SM Fairview para sa launching ng kanyang album na Telling My Heart. Sinabi ng dalaga na kinakabahan daw siya dahil baka magalit sa kanya ang fans nina Sandara at Joseph.

"Nakakahiya naman kay Sandara," aniya. "Kahit di ko pa siya kilala personally ay baka isipin niya na nagpapa-charming ako sa boyfriend niya. Ngayon ko lang na-meet si Joseph at ang masasabi ko ay mabait siya at magaling sumayaw."

Sa ginanap na album launching ni Mayo ay si Joseph ang naging special guest nito at agad silang nag-click sa fans. Kaya naman napunta si Mayo kasama ang kanyang ina na si Maribel Suzuki sa launching ng Hotsilog sa Zirkoh ay dahil personal daw silang inimbitahan ni Joseph.

Tinawagan ng PEP si Mrs. Suzuki noong November 4 upang kumpirmahin ang pangyayari. "Totoo po ‘yon," sabi ni Mrs. Suzuki. " Nandoon kami through the invitation of Joseph. Nandoon si Sandara pero wala silang pagkakataong magharap ng anak ko dahil maraming tao at nasa ibang table sila [Sandara at Joseph]."

Aniya pa: "Siguro nakita ni Sandara ang anak ko dahil kumanta ito ng dalawang songs. Pagkatapos noon ay pumunta kami sa CR. Akala siguro ni Joseph ay umalis na kami kaya wala na siya nang bumalik kami sa table namin. Di naman nanliligaw si Joseph sa anak ko. Ang alam ko, gusto lang nitong makipagkaibigan at saka bata pa si Mayo para magpaligaw. Next year [magiging] 18 na si Mayo at doon siya puwedeng magka-boyfriend pero huwag muna. Yun munang pagkanta at pag-aaral ang atupagin niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN