Balik-pelikula si Gretchen Barretto



Naaliw kay Gretchen Barretto ang mga reporter na dumalo sa November 6 sa presscon ng kanyang comeback movie, ang 2006 Metro Manila Film Festival entry na Matakot Ka Sa Karma. Ginanap ang presscon sa Wok N' Stix restaurant na pag-aari ng OctoArts Films top honcho na si Orly Ilacad.

Si Boss Orly ang nakapagkumbinsi kay Gretchen na magbalik-pelikula ang aktres na 12 taong hindi gumawa ng pelikula. Ang huli niyang pelikula ay ang action-drama na Ikaw Lamang, kunsaan nakatambal niya si Raymart Santiago—na ngayon ay brother-in-law ni Gretchen being the husband of her estranged sister, Claudine Barretto.

Kitang-kita sa mukha ni Gretchen ang matinding excitement sa pagsagot sa mga katanungan ng entertainment press.

Ikinuwento rin niya ang plano na maglabas ng libro tungkol sa kanyang buhay. Ang "tell-all" book ang magbibigay ng kasagutan sa mga isyu na kinasangkutan noon ni Gretchen. Balitang ang YES! magazine editor na si Jo-Ann Maglipon ang magsusulat ng kanyang libro.

Ibang Gretchen ang nakita ng entertainment press dahil naging straightforward siya sa pagsagot. Gusto ni Gretchen na siya ang mag-shine kaya itinago niya ang mga makikinang na alahas na madalas na maka-upstage sa kanya noon.

Gold round earrings ang suot ni Gretchen sa presscon, pero nilinaw niya na hindi ‘yon fancy. Maliban sa kanyang boobs, wala raw fancy sa kanya.

Ikinagulat ng press ang pagiging daring ni Gretchen dahil siya ang nag-volunteer na magkuwento tungkol sa mga isyu na hindi naman itinatanong ng mga reporter.

Napag-usapan din ang anak ni Gretchen at ng kanyang live-in partner na si Tonyboy Cojuangco. Matuwa kaya si Dominique (pangalan ng anak nila) sa sinabi ni Gretchen na lumaki ang kanyang anak na sinasabi ng mga tao na kamukha siya ni Tonyboy. "Kawawa naman ang anak ko at sana, naging kamukha ko na lang siya," pahayag ng aktres.

Naungkat din ang special friendship noon ni Gretchen kay Senator Bong Revilla. Nagsalita si Gretchen na pinaligaya niya noon, in many ways, ang actor-politician na minsang na-link sa kanya. Naging masaya raw si Bong nang makilala siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN