'Short Time' nag-backout sa MMFF



"Yes, hindi na namin itutuloy ang entry naming Short Time para sa Metro Manila Film Festival 2006," sagot ni Orly Ilacad, producer ng Virgin Films, sa tanong kung totoong nag-backout na sila sa naturang festival. Nakausap ng YES! Online si Boss Orly pagkatapos ng presscon ng horror trilogy film na Matakot Ka Sa Karma starring Gretchen Barretto noong November 6 sa Wok ‘n Stix restaurant sa Tomas Morato.

Sabi pa ni Boss Orly: "Gustung-gusto sana naming ituloy ang project pero kakapusin na kami sa oras. Iisa kasi ang direktor namin nitong Matakot Ka Sa Karma at ng Short Time—si Direk Jose Javier Reyes. Sabi niya, kaya raw niyang matapos ang Short Time ng first week of December, just in time sa deadline ng screening committee [ng Metro Manila Film Festival]. Yun ay kung without delay ang shooting namin."

"Pero hindi pwede dahil 12 ang artistang involved sa movie. Maganda sana ito dahil ang ilan sa kanila ay sina Ara Mina, Rufa Mae Quinto, Maui Taylor, [at] Iwa Moto. Kaya lang, hindi magtagpo-tagpo ang schedules nila kaya hindi pwedeng hindi ma-delay ang shooting namin. Maganda sana ito at tiyak na kikita dahil wala siyang katulad na genre, hindi gaya nitong Karma na makakalaban ang Shake, Rattle & Roll ng Regal Entertainment."

"Kaya nag-decide na lang kami na huwag na ituloy [ang Short Time] at mag-concentrate na lang si Direk Joey sa post-production nitong Karma. Natapos na rin niyang i-shoot ang dalawa pang episodes [ng pelikula] na sina Rica Peralejo at Angelica Panganiban naman ang nasa lead roles."

Sa ngayon, hindi pa rin alam ni Orly kung may ipapalit na ibang pelikula ang executive committee ng MMFF para maging sampu pa rin ang entries.

Ang iba pang entries sa 32nd Metro Manila Film Festival bukod sa Matakot Ka Sa Karma ay ang mga sumusunod: Regal Entertainment's Super Noypi, Zsa Zsa Zaturnnah, Mano Po 5: Gua Ai Di, and Shake, Rattle & Roll 8; Viollett Films's Tatlong Baraha; Octo Arts Films's Enteng Kabisote 3; CM Films's Ligalig; and Star Cinema's Kasal Kasali Kasalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN