Lolit Solis handang mag-sorry kay Amalia Fuentes


Apology ang hinihingi ng dating aktres na si Amalia Fuentes mula sa talent manager at Startalk host na si Lolit Solis.

Si Amalia ang isa sa mga tumulong sa dating aktres na si Deborah Sun nang makulong ito dahil sa estafa case na isinampa laban sa kanya ng dating kaibigan niya na si Lorna Tolentino.

Malaki rin ang partisipasyon ni Amalia kaya napaaga ang paglaya ni Deborah dahil sa conditional pardon na ipinagkaloob ng Malacañang Palace.

Two Saturdays ago, nag-guest si Deborah sa Startalk ng GMA-7 at dito sila nagtagpo ni Lolit.

In jest, sinabi ng Startalk co-host kay Deborah na iwasan nito na magpataba para hindi siya matulad kay Amalia.

Ipinarating ni Deborah sa kanyang benefactor ang sinabi ni Lolit. Na-offend si Amalia sa narinig dahil hindi raw magandang biro ‘yon kaya gusto niyang magpaumanhin sa kanya si Lolit.

Sa pakikipag-usap ng YES! Online kay Lolit sa telepono kahapon, sinabi nito na handa siyang mag-sorry sa dating movie actress. Hindi raw niya inaasahan na masasaktan si Amalia, sabay tanong kung pumayat na ba ang ang dating Sampaguita Pictures prime star.

Ayon kay Lolit, malapit na siyang maging senior citizen kaya ayaw na niyang madagdagan pa ang kanyang mga nakakasamaan ng loob. Maluwag daw sa loob niya ang paghingi ng paumanhin kay Amalia.

Going back to Deborah, ang kanyang liver ailment noon ang dahilan kaya napaaga ang paglaya niya. Napatunayan ni Deborah sa korte na totoo ang kanyang claim na meron siyang karamdaman sa atay at ang resulta ng mga X-ray ng government hospitals ang ebidensiya na ipinakita niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN