Melanie Marquez gustong mabuntis bago mag-2007



Desidido ang Miss International 1979 at Supermodel of the World 1986 first runner-up na si Melanie Marquez na makabuo sila ng kanyang asawang si Adam Lawyer ng baby bago matapos ang taong kasalukuyan.

May anin nang anak si Melanie mula sa kanyang apat na pagpapakasal: Miguelito, 24, na anak niya kay Senador Lito Lapid; Mazen, 16, anak sa isang Arabong negosyante; sina Michelle Sarah, 11, at Maxene Xuxa, 14, kay Derek Dee; at sina Adam, 3, at Abraham, 2, sa kanyang American husband ngayon.

Gusto ng actress-model na maging pito ang anak niya dahil naniniwala siyang masuwerte ang nasabing numero kaya naman kailangang makabuo raw sila ni Adam bago matapos ang Disyembre.

"Paano naman kasi, ang pinakamatagal na di kami nagkikita [ni Adam Lawyer] ay dalawang buwan dahil madalas siyang nasa USA. Pero tuwing nandito naman siya ay natataong hindi ako puwede kaya wala kaming nabubuo," kuwento ni Melanie sa YES! Online noong November 2 presscon ng kanyang ini-endorse na beauty product, ang New Placenta.

Sabi pa ni Melanie ay si Adam daw mismo ang nag-suggest sa kanya na kailangang makabuo pa sila ng isang anak. Kung kinakailangan din daw na sumama si Melanie sa USA ay gagawin niya para matupad ang minimithi nilang pangatlong anak.

"Kailangan mabuntis ang lola ninyo dahil malapit na akong mag-boundary," pagbibiro pa ni Melanie. "Ayoko namang magkaanak na lampas na ako sa edad de peligro dahil baka ano pa ang maging anak ko.

Sabi pa niya: "Past 40 na ang lola ninyo... Ayoko namang ipilit kung lampas na ako dahil baka magkaproblema ang baby ko. Mahirap na."

Nilinaw rin ni Melanie na ang kagustuhan niyang mabuntis muli ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang maging isa sa tatlong judges ng Philippines's Next Top Model (PNTM),kung saan si Ruffa Gutierrez-Bektas ang maghu-host.

Aniya: "Ayoko namang makita ako ng mga tao na lobo ang tiyan ko at nakaupo sa panel of judges. Imagine, isa akong beauty titleholder at pang-international ha, na makitang kahilera ang mga naggagandahan at nagseseksihang judges pagkatapos ako naman ay namumutok ang tiyan sa kabuntisan. Di ‘ata kagandahan ‘yon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko ring linawin na hindi totoong hindi ko gustong mag-judge [sa PNTM] kaya ko tinanggihan ang offer. Ito kasi ang haka-haka ng ilan na wala namang masama dahil capable naman ako of doing it [judging]. I love Ruffa very much and, in fact, I was the one who told her na hindi siya pang-top model kundi pang-beauty queen kaya ‘yun, win ang lola sa Miss World."

"How I adore this lady [Ruffa] dahil sa lahat ng tinuruan ko, siya talaga yung desididong-desidido na matutong rumampa. Imagine, tuloy-tuloy ang pag-emote niya ng dalawang oras noon. Tingnan n'yo naman siya ngayon," pagmamalaki nito sa kanyang dating estudyante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN