Shaina Magdayao, negosyante na



May sarili nang mga negosyo ang teen star na si Shaina Magdayao.

The Star Magic jewel celebrated her 17th birthday last November 6 with a simple dinner sa Red Crab sa Tomas Morato. Kasama sa family dinner ang kanyang sister na si Vina Morales, kuwento ni Shaina sa special birthday press con na ibinigay solely for her ng Star Magic noong Tuesday, November 7, sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Nagsimula sa showbiz at the age of six, nakakawala na siya sa image niyang younger sister ni Vina Morales as Shaina starts to shine on her own.

Moreso, dahil sa dami ng kanyang mga trabahong nagawa since she joined showbiz, napakarami na palang investments ni Shaina. Ibinibigay raw niya ang kanyang earnings sa kanyang parents to invest for her.

Right now, bukod sa kanyang sariling branch ng Ystilo Salon, na pagmamay-ari ng kanyang sister Vina, may sarili na pala siyang 20-door apartment somewhere in Quezon City under her name dahil pera niya ang ipinambili nito.

Kung ang ibang mga young stars ay pinag-iipunan pa lang ang kanilang first house or car, si Shaina ay may mga negosyo na.

Maraming blessings ang natanggap niya this year and, hopefully, will continue next year. Sila ni Rayver Cruz ang magiging lead love team sa replacement show ng Star Magic Presents late this month—ang Star Magic Presents: All About Your Love to be directed by Erick Salud.

Nakaka-two shooting days na rin sila ni Rayver for a 2007 movie ng Regal Entertainment, ang Happy Hearts (dating Pusong Pilipit) together with Rustom Padilla and Wendell Ramos.

Nag-resume na rin sila ng taping—again with Rayver—ng Diether Ocampo-fantasy action soap Rounin kung saan may makaka-triangle sila, si Joross Gamboa. Scheduled din ito for airing next year na.

Bukod sa kanyang projects, endorser din si Shaina ng ilang produkto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN