Ogie Alcasid at Regine Velasquez 'nagpakasal' na



Kung ‘di lang na-preempt ni Janno Gibbs sa SOP noong November 5, ang dapat na sikretong "pagpapakasal" nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa anniversary special ng QTV-11 sitcom na Ay, Robot!, sana ay mananatiling misteryo pa rin ang plugging ng naturang network sa dalawang bituin na malapit nang mag-isang dibdib. Si Ogie ay mainstay ng Ay, Robot! samantalang special guest naman sa nasabing episode ang singer-actress.

Dahil nga nabuking na ni Janno, wala nang choice sina Ogie at Regine kundi ang sabihin na ikinasal na nga sila—pero dahil lang yun sa anniversary ng sitcom ni Ogie. Hindi raw sinasadya ni Janno na mabanggit ang kinunang wedding scene nina Ogie at Regine sa set ng Ay, Robot! last November 2.

Marami raw ang nagulat sa cast at crew ng Ay, Robot! sa totohanang halik na idinampi nina Ogie at Regine sa isa't isa.

Dahil sa eksenang ito ay siguradong lalong iinit ang isyu kina Ogie at Regine. Si Ogie kasi ang itinuturong secret boyfriend ni Regine na in-announce ng Asia's Songbird sa isa sa mga presscon ng Till I Met You, ang huling pelikula niya with Robin Padilla.

Bago nag-guest si Regine sa Ay, Robot! ay naging panauhin din siya sa 11th anniversary special ng Bubble Gang kung saan mainstay rin si Ogie. Sa nasabing episode na ipinalabas noong October 20 ay mayroon ding kissing scene ang dalawang hosts ng SOP.

Matagal-tagal na ring bulung-bulungan ang diumano'y relasyon na higit pa sa magkaibigan nina Ogie at Regine. Sa tuwing tinatanong tungkol dito ay mariing pinabubulaanan ng dalawa na may namamagitan sa kanila bukod sa pagiging magkaibigan.

Sa Sabado, November 11, na mapapanood ang "kasalang" Ogie Alcasid-Regine Velasquez sa Ay, Robot! ng QTV-11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN