Marvin Agustin second to the last dance in Pauleen Luna's debut



Nadulas si Marvin Agustin nang tawagin niyang couple silang dalawa ni Pauleen Luna.

While matagal na silang napapabalitang mag-on but with no confirmation coming from either of them, sa presscon ng Wag Kang Lilingon ng Star Cinema noong November 7 sa ABS-CBN compound, nagamit ni Marvin ang word na ‘couple' to describe him and Pauleen.

Ayaw lang talaga nilang gamitin ang salitang boyfriend-girlfriend dahil nakakahon ang relasyon nila na may full commitment na raw. Pero sabi nga ni Marvin, wala na rin naman daw nababalitang may nililigawan siyang iba at ganun din si Pauleen na wala nang iba pang guys na nali-link.

On November 10, gagawin ang debut si Pauleen sa Presidential Hall, Johnson's Park sa North Greenhills sa San Juan. Nandoon siyempre si Marvin at makakasama siya sa traditional 18 Roses dance ceremony.

Ayaw niya actually at napag-usapan nga raw nila ito ni Pauleen but in the end, Marvin conceded. Siya ang magiging second to the last dance ni Pauleen, the last being Pauleen's father.

Masaya ngayon ang dalawa and being stars, they know their work and responsibilities so hindi raw sila naglilimitahan on what they do sa projects nila.

Sa Wag Kang Lilingon, makaka-partner ni Marvin si Anne Curtis sa "Oyayi" episode na directed by Quark Henares. Kasama rin niya sa pelikula si Kristine Hermosa, ang na-link dati kay Marvin at nagkaroon din ng issue in the past with Pauleen regarding Diether Ocampo, Kristine's boyfriend.

Sabi ni Marvin, they don't talk about Kristine the same way they don't talk about Diet. Hindi sila lumilingon sa past is very apt dahil ito ang titulo ng pelikula ni Marvin.

Aside from his film project, napapanood din si Marvin sa telebisyon via Hooo U?, a horror-comedy series on GMA-7. Magsisimula na rin siyang mag-taping ng action-drama series na Asian Treasure, with Robin Padilla, Angel Locsin and Diana Zubiri, for the Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN