Ruffa Gutierrez: Goodbye Turkey, hello Spain?



Noong mismong araw ng magarbong birthday party ng ina niyang si Annabelle Rama dumating mula sa Turkey ang actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez. Ginanap ang birthday party ni Annabelle sa Le Soufflé sa Rockwell noong November 4.

Ang daming chika ni Ruffa noong gabing iyon. Una na rito ang balak ng mister niyang si Yilmaz Bektas na either sa Spain o sa Switzerland na sila tumira with their kids (Venice and Lorin) simula sa January 2007 kaya ibebenta raw nila ang binili nilang Fashion TV sa Turkey.

Nagsasawa na rin daw si Yilmaz sa Istanbul kaya gusto nitong lumipat sa ibang bansa. Kesa sa Switzerland, mas type ni Ruffa na manirahan sa Madrid o sa Barcelona sa Spain kaya ngayon pa lang ay tinuturuan na niya sina Lorin at Venice na magbilang in Spanish.

"So, I'm not gonna be a Turkish delight anymore. I'm gonna be a Spanish señorita!" halakhak ni Ruffa.

Binalita rin ng dating beauty queen na okey na sila nina Gretchen Barretto at Pops Fernandez pero tila may problema pa with Dawn Zulueta kaya hindi pa sure kung matutuloy ang pelikula nilang Desperadas, na dapat ay gagawin ng Regal Entertainment.

Hinihiritan daw nila si Gretchen na ito na lang ang mag-produce ng pelikula. At least, makakapag-demand daw sila ng mataas na talent fee at baka araw-araw ay galing ng Le Soufflé ang pagkain nila sa set.

Magkakasama raw silang manonood ng charity fashion show ni Monique Lhuillier sa Makati Shangri-La sa November 12.

Hindi pa sure si Ruffa kung sasama siya sa mga magulang niyang sina Annabelle at Eddie Gutierrez sa Las Vegas para manood ng laban ni Manny Pacquiao sa November 18, na treat ni Governor Chavit Singson (na siya ring nag-sponsor ng birthday party ni Annabelle). Ang sigurado niya ay ang gagawin nilang shampoo commercial nina Gretchen, Dawn at Angel Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May milk TV commercial din daw silang isu-shoot ng mga anak niyang sina Lorin at Venice. May ilulunsad din siyang sariling skin care line (Ruffa's Skin Essentials) at special lip gloss (Ruffa's Perfect Pout) na puwede kang bigyan ng makapal na labi minus the surgery.

Magiging busy ngayong Nobyembre si Ruffa sa auditions para sa show niyang Philippines' Next Top Model (PNTM) na hindi lang dito sa Metro Manila gagawin kundi meron din sa Baguio, Cebu at Davao. Ani Ruffa, first week of December ipi-present sa press ang semi-finalists ng PNTM at January to March 2007 ang kanyang taping para rito.

Sey pa niya, dapat ay makapagtala ng at least 14% rating ang nasabing show niya sa RPN-9 para may bonus siya mula sa Solar Entertainment, ang producer ng show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN