Richard Gutierrez di nakarating sa birthday party ng mommy niya


‘Missing in action' si Richard Gutierrez sa nakaraang birthday party ng ina niyang si Annabelle Rama na ginanap sa Le Soufflé sa Rockwell noong November 4.

Nakausap namin si Richard that night sa set ng Mano Po 5: Gua Ai Di, ang entry ng Regal Entertainment sa 2006 Metro Manila Film Festival, sa isang posh residence sa Ayala, Alabang. Nabanggit niyang malamang hindi na siya makaabot sa party ng mommy niya dahil baka late na silang mag-pack-up sa shooting.

True enough, hanggang matapos ang party bandang 1:00 AM ay no-show ang guwapong anak ni Annabelle. Kasabay naming lumabas ng venue ang pamilya Gutierrez at happy ang birthday celebrant noong gabing ‘yon kahit wala si Richard dahil alam niyang nagtatrabaho ang binata.

Si Richard lang ang kulang dahil kumpleto ang kanyang mga kapatid (Ruffa, Elvis, Ritchie Paul, Rocky at Raymond) na isa-isang tinawag ni Annabelle para pagsalitain sa mikropono.

Siyempre ay nasa tabi ng birthday girl ang great love niyang si Eddie Gutierrez. Bulalas ni Tita Annabelle: "Maraming salamat at binigyan mo ako ng maganda at mga guwapong anak. I love you, my darling baby! Huwag mo akong iwan kahit matanda na ako, ha? Huwag ko akong ipagpalit sa bagets!"

"More commissions at more money" raw ang birthday wish niya. Ayaw ipasabi ni Tita Anabelle ang edad niya. Pinagsalita rin niya ang mga alaga niyang sina Nicole Anderson, Melissa Avelino, Mara Garcia (ex-girlfriend ni Ritchie Paul), Ehra Madrigal, Jean Saburit at Melissa Mendez.

Tuwing pakilala niya sa mga alaga niya ay panay ang tawag ni Tita Annabelle kay Mother Lily Monteverde (na lady in red that night) at sana raw ay bigyan ng projects ng Regal matriarch ang mga talent niya.

Kabilang sa mga nakisaya sa sosyal na party ni Annabelle sina Ilocos Sur governor Chavit Singson (na nag-sponsor ng party) with wife Che, former Senator Loren Legarda, former Senator Nikki Coseteng, Drs. Manny and Pie Calayan, Pops Fernandez, Gretchen Barretto (kasama ang anak na si Dominique), Richard Gomez and Lucy Torres, Nadia Montenegro and Boy Asistio, Donita Rose, Rudy Fernandez, Phillip Salvador, Ara Mina and sister Cristine Reyes, Ogie Alcasid, Faith Cuneta, Joyce Jimenez, Camille Prats, Anne Curtis, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN