Angelica Panganiban nag-celebrate ng birthday sa Boracay



Noong November 4 ay nag-celebrate ng kanyang birthday ang young actress na si Angelica Panganiban. Isang trip to Boracay raw ang regalo niya sa kanyang sarili. Kasama ang kanyang mga kaibigan, umalis sila ng Manila noong October 31 at November 3 na sila bumalik.

Kasama niyang nagpunta sa Boracay ang kaibigan at co-ABS-CBN talent na si Michelle Madrigal with some other friends. Ayon pa kay Angelica, nakita raw ng mga kaibigan niya ang grupo nina Jennylyn Mercado, Bianca King, Nicole Anderson, at Patrick Garcia na nasa Boracay rin that time.

Dahil walang kasamang mga lalake sina Angelica ay nagduda ang ilan na baka nakipagkilala sila sa mga lalakeng nasa Boracay nung nandoon sila.

"Wala," pagtanggi ni Angelica sa presscon ng Pitong Dalagita ng Canary Films sa Virgin Cafe last November 7.

"Ang mga boys, hindi ko pinansin. Gusto ko, ako ang pansinin nila," pagbibiro pa niya.

"Saka paano naman kami makakakilala ng boys? Kung gumising kami doon, 4 p.m. na. Kaya ang tanong namin palagi: ‘Where is the sun?' Wala na kasing araw kung lumabas kami."

Ikinuwento rin ni Angelica na noong mismong araw ng birthday niya ay wala siyang malaking selebrasyon. Nag-dinner lang daw siya kasama ang kanyang pamilya.

Ayon pa sa kanya, binati rin siya ng kanyang ex-boyfriend na si Carlo Aquino "sa text."

Kuwento niya, "Na-‘who u?' ko pa nga siya dahil hindi nag-appear sa cellphone ko ang number niya. Nagpalit kasi ako ng cellphone. Sagot naman niya, ‘Si Caloy [palayaw ni Carlo] ito, happy birthday.' Sagot ko naman, ‘Hello ex.'"

Sa tanong kung wala na talagang pag-asang magkabalikan pa sila ni Carlo, ito ang sagot ni Angelica: "Ayoko na. Natauhan na ako, nauntog na ako. Sana maging masaya na rin kayo sa akin. Sa bahay nga namin, pinalakpakan nila ako nang sabihin kong wala na kami talaga ni Carlo. Yes, it's true, mahirap malimutan ang first love. But I realized, mayroon pa rin naman palang second love, third love. Naka-move on na ako talaga and I'm happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balitang may bagong boyfriend si Angelica at pina-tattoo pa nga daw ng young actress ang pangalan ng lalake sa kanyang batok. Nang tanungin siya tungkol dito, mariing pinabulaanan ni Angelica ang balita.

"Wala pa talaga akong bagong boyfriend. Pahinga muna ang puso ko," sagot niya.

Samantala, sa November 29 na ang showing ng Pitong Dalagita kung saan ang mga kabituin niya ay puro talents ng GMA-7-sina Nadine Samonte, Yasmien Kurdi, Cristine Reyes, Iwa Moto, at Valerie Concepcion. Hindi ba nailang si Angelica na siya lang ang nag-iisang taga-ABS-CBN?

"Hindi naman po dahil sa White Lady [her last movie prior to Pitong Dalagita], mga taga-GMA-7 [Pauleen Luna, JC de Vera, Gian Carlo at Iwa] din ang kasama ko," aniya. "Masaya ang shooting namin. Saka hindi naman kami ang magkakalaban, kundi ang networks namin. Kaya naman sa paggawa ko ng movie na kasama sila, mas dumami ang friends ko. Vibes ko silang lahat."

Nakatakda na ring magsimula ang shooting ni Angelica ng bago niyang pelikula sa Star Cinema kung saan makakasama niya sina Aga Muhlach at Maricel Soriano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN