Katya Santos nag-renew ng contract with Viva Films




Nanghihinayang si Katya Santos dahil mabilis natapos ang GMA-7 afternoon drama series na Now and Forever: Dangal na kinabibilangan niya. Nagulat nga raw siya nang tawagan siya at sabihing last taping na niya para sa nasabing soap kunsaan tampok sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

"Nalungkot ako kasi ang titindi ng mga eksena namin sa Now and Forever. Pero aalis daw kasi si Direk Mac [Alejandre] for Malaysia kaya pinatapos na niya yung show. Nakakalungkot lang kasi naging close na kaming lahat sa show tapos biglang natapos na," kuwento ni Katya sa pictorial ng Ligalig noong November 6 sa Scout Rallos, Quezon City.

Pagkatapos ng kanyang maikling stint sa nasabing drama series, pelikula naman ang susunod na pagkakaabalahan ni Katya. Bahagi siya sa Metro Manila Film Festival entry ng CM Films—ang Ligalig kung saan kasama niya si Cesar Montano na siya ring direktor ng pelikula.

"Masarap katrabaho si Direk Buboy [palayaw ni Cesar]," sabi ni Katya. "Mabilis kaming magtrabaho sa set. Tapos alagang-alaga pa [kami] lahat."

Ibinalita rin ni Katya na kaka-renew lang niya ng kanyang kontrata with Viva Films. Sana raw ay mabigyan siya ulit ng malalaking projects at hindi puro videos at pictorials.

"Hanggang August 2007 lang naman yung pinirmahan ko sa Viva," sabi ng dating miyembro ng Viva Hot Babes. "Parang pangsiguro lang just in case may projects. Pero after the contract, gusto ko namang sumubok ng ibang bagay. I want to concentrate sa business. Yung boyfriend ko kasi, mahilig sa negosyo kaya gusto naming mag-try ng iba-iba."

Bukod pa rito, nabanggit din ni Katya na gusto na niyang magpakasal at magkaroon ng anak. Gusto na raw kasi ng pamilya niya na mag-settle down siya.

"I'm only 24 years old kaya marami pang time," sabi niya. "Sa totoo lang, gusto ko na ring magkaanak. Naiinggit nga ako sa mga friends ko na may mga kids na. Mahilig ako sa mga bata kasi inalagaan ko yung baby sister ko. I guess ready na ako to have my own family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN