'Thou shall not e-mail,' commands Alessandra de Rossi



Nakasuot ng isang t-shirt si Alessandra de Rossi na may nakasulat na "Someday My Prince Will Come" nang nag-guest siya sa taping ng Homeboy ng ABS-CBN noong November 7—the said episode will be aired on Friday, November 10. Nagsalita si Alex (palayaw ni Alessandra) tungkol sa kanyang on-and-off romance with Jeremy Marquez.

Sa unang bahagi pa lamang ng show ay may kanya-kanya nang dalang cutout heart ang mga guest na kinabibilangan din nina Nikki Valdez at Aiza Marquez. Isang simple at di kalakihang cutout heart ang dala-dala ni Alex na later ay pinunit niya into two, symbolizing her break-up with Jeremy, son of comedian-TV host Joey Marquez

Ang pinaka-highlight ng kauna-unahang guesting ni Alex sa morning show ni Boy Abunda ay ang kanyang sampung tanong na "Bakit" tungkol sa pag-ibig na siya rin ang sumagot:

1. "Bakit sa umpisa lang mabait, bakit sa umpisa lang masaya?"

Ayon kay Alex, hindi ito nalalayo sa isang sapatos na pag bago pa ay palagi itong isinusuot, pero pag luma na ay itinatapon na lang ito.

2. "Bakit kailangang papalit-palit ng dyowa, bakit di puwedeng ‘yon na lang ‘yon?"

Aniya, walang satisfaction ang mga lalake dahil gusto nila, palaging may adventure. Kaya natural sa kanila ang magbilang ng mga babae.

3. "Bakit tanga ako?"

Sabi niya, ganu'n talaga ang taong nagmamahal. Kahit maraming kasalanang nagawa sa ‘yo ang lalake ay nakukuha mo pa rin siyang mapatawad.

4. "Bakit nagpa-promise na hindi tinutupad?"

Sabi ni Alex, totoo siyang tao. Lahat ng sinasabi niya ay totoo kaya kung may pangako sa kanya ang isang tao ay nasasaktan siya kung di ito natutupad. Masakit yon sa kanya, pero hindi naman niya ito ikamamatay.

5. "Bakit masakit ang magmahal?"

Aniya, kung gaano niya kamahal ang isang tao ay ganun din ito kasakit kung nagkakahiwalay sila. Hindi niya ito iniiyakan dahil dumating na siya sa point na pagod na pero nalulungkot siya sa pangyayari. "Dito sa pag-ibig ko [kay Jeremy], dito ako nasaktan dahil ibinuhos ko lahat. Naku, ‘yang si ‘chuva' ang hilig mangako niyan hanggang doon sa malayo, kaya ‘yung future ko, parang feel ko na kasama ko siya. Doon ako nasaktan dahil marami akong tinutupad na pangako, pero siya ay walang tinutupad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

6. "Bakit may lalakeng gusto ng madami, bakit di puwedeng isa lang?"

Sabi ni Alex, applicable lang ito sa iba dahil ang kanyang daddy (si Luigi de Rossi, isang Italian) ay isa lang talaga. Ito ang konsepto niya sa isang relationship na nakita niya sa kanyang parents. Kaya di puwede sa kanya ang broken marriage o broken family in the future.

7. "Bakit may mga babaeng mahilig makisawsaw sa may dyowa?"

Ang sagot niya dito ay dahil walang respeto ang mga babaeng ito sa girlfriend ng lalake. Wala rin silang respeto sa sarili nila dahil nagpakababa sila ng ganu'n.

8. "Bakit mo binabalikan palagi pagkatapos kang saktan?"

Aniya, ganu'n talaga ang umiibig. Kapag nag-promise sa yo na di na siya uulit ay naniniwala ka naman. Tapos di natutupad at nag-promise ulit siya at maniniwala ka na naman.

9. "Bakit kailangang matapos ang isang bagay na napakaganda na sana?"

Aniya, there's no such thing as forever dahil everything comes to an end.

10. "Bakit ako tanong ng tanong? Leave the questions!"

Sa portion ng ito ng show ay talagang pinalakpakan si Alex sa loob ng Studio 10 ng ABS-CBN dahil sa kanyang nag-iisang commandment of love: "Thou shall not e-mail chuva...!" (Matatandaang dahil sa e-mail diumano ni Toni Gonzaga kay Jeremy kaya nagkahiwalay ulit sina Alex at Jeremy.)

Kung susulatan ni Alex ang kanyang sarili, ang isusulat daw niya ay: "Dear Alex, you are the daughter of a king, you deserve a prince!"

Ito ang kanyang panghuling pananalita para sa mga babaeng mang-aagaw: "Huwag na ninyong hintayin na mangyari sa inyo. Huwag na ninyong hintayin na mangyari sa mga anak ninyo. Yun lang! Naniniwala ako sa kung ano ang itinanim mo ay ‘yon din ang aanihin mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN