Lolit Solis at Mo Twister nagkaayos na



Exchange deal ang mangyayari between Manay Lolit Solis and DJ Mo Twister as part of their reconciliation.

Tomorrow, as part of Startalk's 11th anniversary kung saan si Manay Lolit ang isa sa hosts together with Lorna Tolentino, Butch Francisco and Joey de Leon, magkakaroon ng one-on-one interview si Manay Lolit with the controversial radio host.

DJ Mo has an early morning radio show, Good Times, sa dwTM Magic 89.9 from Monday to Thursday, 6 to 8 am. Pinaka-inaabangan dito ang Wednesday episode dahil sa Celebrity Challenge kung saan ini-interview ni DJ Mo ang celebrity guests with 20 questions they have to answer. One or two of these are provocative questions that are very hard to answer at siyang nagiging cause ng intriga.

Dito sa segment ng naturang radio show nagsimula ang mga issue about Maui Taylor and Eric Santos (Maui named Eric as one of the actors na hinihinala niyang bakla); Donita Rose and Rufa Mae Quinto (someone quoted Donita saying retokada raw si Rufa Mae); Raymond Gutierrez, Jay-R and KC Montero (both Jay-R and KC named Raymond as one of the actors na papaaminin nilang bakla); and German Moreno and Troy Montero (si Kuya Germs naman ang pinangalanan ni Troy na bakla raw).

Nagsalita si Manay Lolit, who is not just a TV host but also does radio commentating, na huwag na lang patulan ng mga artista si DJ Mo para hindi sila napapahamak. DJ Mo took offense to her remark so he called Manay Lolit as the "mother of all scams," referring to the 1994 Manila Film Festival incident. Sumagot naman si Manay na mas scammer si DJ Mo na inanakan ang dalawang artista, referring to Bunny Paras and Janet McBride. [Bunny really got pregnant while Janet denied getting pregnant.] Tinawag rin ni Manay si DJ Mo na isang bakla.

Nag-exchange diatribes ang dalawa for the following weeks and the issue became bigger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para matapos ang iringan, Manay Lolit and Mo Twister decided to guest sa programa ng isa't isa. Naunang nag-guest si DJ Mo sa radio program ni Manay Lolit noong Tuesday, November 7. The following day, November 8, si Manay Lolit naman ang at nag-guest sa radio show ni DJ Mo.

As expected, hindi rin nakalusot si Manay Lolit sa mga "forbidden questions" ni DJ Mo. Nang tanungin siya kung sino sa mga male stars ang sa tingin niya ay nagkaroon ng relationship sa kanilang managers, Lolit mentioned the names of Diether Ocampo and Carlos Agassi.

Ibinuking din ng talent manager-TV host na mag-on na ang alaga niyang si Pauleen Luna at si Marvin Agustin.

Pagkatapos ng guesting na ito, nagkaayos rin ang dalawa. So this Saturday, magge-guest si DJ Mo sa Startalk na hinu-host ni Lolit sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN