Camille Prats at Angelica Panganiban friends na uli--source



Nagkaayos na rin ang dating mag-best friends na sina Angelica Panganiban at Camille Prats.

Close buddies sila since they started showbiz as child stars sa bakuran ng ABS-CBN ngunit nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan sina Angelica and Camille because of Angelica's boyfriend of seven years, si Carlo Aquino. Angelica found out na nanliligaw rin pala si Carlo kay Camille and the latter didn't mention a thing to Angelica. Dahil dito, nagkahiwalay sina Angelica at Carlo at nagkagalit ang una at si Camille.

Lumipat si Carlo ng ibang management, sa Viva Films, at lumipat naman ng GMA-7 si Camille. It was only Angelica who stayed sa ABS-CBN as one of the next princesses in line sa Star Magic. Nagkabalikan sina Angelica and Carlo but only for a short time until they decided to call it quits again. Ganoon pa man, hindi na muling nag-usap sina Angelica and Camille.

Noong November 4 ang 20th birthday ni Angelica, who is now busy promoting her third movie this year, ang Pitong Dalagita from Canary Films. Ang mga nauna niyang pelikula ay ang All About Love ng Star Cinema at White Lady ng Regal Entertainment. Nag-start na rin siyang mag-taping para sa first anime-serye ng Kapamilya network, ang Rounin.

Noong November 7, dumalo si Angelica ng birthday party ni Deo Endrinal—ABS-CBN vice president for talk, variety and reality—na ginanap sa Teatrino at the Promenade, Greenhills. Our source said Angelica decided to join the first group of star-friends she saw, led by Luis Manzano, at bineso-beso ang lahat. She didn't know na at the end of the line ay si Camille.

Just as Angelica was about to kiss her, saka niya napagtanto na it was Camille pala. Camille, in turn, was so happy to see Angelica again so she smiled. That broke the ice so Angelica greeted Camille with a kiss and the two reconciled.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

According to the same source, alas kuwatro na ng madaling-araw parehong umuwi ang dalawa at inubos ang oras sa kuwentuhan, catching up on things. Ayon sa aming source, hindi nila pinag-usapan si Carlo.

Kailangan lang maghiwalay ang dalawa dahil pareho silang may 7 AM call time sa respective soaps nila—si Camille for Captain Barbell sa GMA-7 at si Angelica for Rounin. Nagkapalitan silang muli ng cell numbers and at 9 AM, nagte-text na si Camille kay Angelica, opening the lines of communication between the two.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN