Ynez Veneracion umaming pumunta ng Hong Kong with her ex-boyfriend



Nilinaw ng sexy actress na si Ynez Veneracion ang kumalat na balitang nagkabalikan na sila ng dati niyang boyfriend, ang character actor na si Mon Confiado. Ayon kay Ynez, walang nangyaring balikan sa kanilang dalawa dahil pinaninindigan nito ang mga sinabi niya noon na hanggang kaibigan na lang sila ni Mon.

Kaugnay ng balitang ito ay inamin ni Ynez na nagpunta sila ni Mon sa Hong Kong kamakailan. Regalo raw iyon ng ex-boyfriend sa kanya dahil sa pagbibigay ni Ynez ng moral support kay Mon nang yumao ang ama ng huli na si Angel Confiado, isa ring dating aktor.

“Nauna si Mon sa Hong Kong kasi may business deals siya roon,” sabi ni Ynez noong Novemebr 11 sa Red Crab restaurant, Tomas Morato. “Tapos tinawagan niya ako at sinabing sumunod daw ako sa kanya roon. Bale gift daw niya sa akin yun for all the support I gave him."

Aniya pa, “Um-oo ako kasi nga regalo at siya [Mon] naman ang gagastos. Nag-shopping lang naman kami dun. Tsaka kinailangan din naming magbakasyon kasi stressed out kami pareho. Naglibang kami sa Hong Kong since nandoon na rin lang kami.”

Kinumpirma rin ni Ynez na hiwalay na sina Mon at ang huling girlfriend nitong si Juliana Palermo. Nangyari raw ito nang pumunta si Juliana sa Hawaii para um-attend ng isang international film festival doon.

“Nalaman ko lang na hiwalay na sila noong yayain ako ni Mon na mag-Hong Kong,” sabi niya. “Kung sila [Mon and Juliana] pa that time, hindi ako sasama kay Mon kasi matsitsismis pa ako. Pero since wala na pala sila, wala akong nakikitang masama. Tsaka hindi naman kami nagkabalikan ni Mon. We just remain good friends until now.”

Sinagot din ni Ynez ang issue tungkol sa mga natatanggap hate e-mails ni Juliana na diumano ay galing sa kanya. Itinanggi ni Ynez na galing sa kanya ang mga iyon.

“Bakit ko naman gagawin yun? Ang cheap-cheap naman!” diin ni Ynez. “Tsaka ang dami kong ginagawa ngayon para pagkaabalahan ko pa ang mag-e-mail ng kung anu-ano. Busy ako sa band at dance rehearsals. Halos madaling-araw na ako nakakauwi. May energy pa ba ako para mag-e-mail? Itutulog ko na lang, ‘di ba?"

Patuloy niya, “Tsaka kung may gusto akong sabihin sa isang taong hindi ko gusto, hindi ko idadaan sa e-mail. Haharapin ko siya at sasabihin ko nang harap-harapan. Hindi ako traydor na tao. Lumalaban ako nang parehas kaya huwag nila ibintang sa akin ang mga e-mails na yan sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagpalitan ng salita sina Ynez at Juliana pagkatapos nilang magkita sa burol ng ama ni Mon noong nakaraang buwan. Nasaktan daw nang husto si Ynez nang makitang magkasama si Juliana at ang kanyang ex-boyfriend. Ilang araw pagkatapos ng insidenteng yun ay nag-break din sina Mon at Juliana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN