Mark Herras crowned 'Miss Bebot 2006'



Napakasayang naidaos ang ikatlong Miss Bebot (o Binibini ng Eat Bulaga On TV) noong Sabado, November 11, sa noontime show ng GMA-7 at TAPE Inc. na Eat Bulaga! sa Broadway Centrum. Sa contest na ito ay pinagbibihis-babae ang male stars kunsaan pipiliin ang winner na parang sa isang beauty contest—may presentation of candidates, talent portion at question and answer.

Ang young actor na si Mark Herras, a.k.a. Chennylyn Mercado, ang kinoronahang Miss Bebot 2006. Sina Brad Turvey, a.k.a. Nancy Fetuccini, at Ryan Yllana, a.k.a. Rhiana Dabiana de Leche, ang 1st and 2nd runners-up, respectively.

Ang iba pang pang candidates ay sina JC de Vera (as Maria Elena Van Helden Y Barbarosa), Jeremy Marquez (as Alessandra D’ Rose), at Wally Bayola (as Blacky Lou Blanco), na pangalawang beses nang sumali at natalo.

Bukod sa Miss Bebot 2006 title ay naiuwi rin ni Mark ang tatlong special awards—Best in Long Gown, Best in Talent at Viewers’ Choice (pinakamaraming boto mula sa viewers). Nag-tie naman sina Brad at JC sa Most Telegenic award.

The six contestants represented different elements—si Brad ay ‘Reyna ng Karagatan,’ si JC ay ‘Reyna ng Kagubatan,’ si Ryan ay ‘Reyna ng Kahayupan,’ si Jeremy ay ‘Reyna ng Kalawakan,’ si Wally siyempre ay ‘Reyna ng Kaitiman,’ at si Mark ay ‘Reyna ng Apoy.’

Si Ryan ang ikatlong Yllana na sumali sa Miss Bebot. Nauna na sa kanya ang kanyang mga kapatid na sina Anjo at Jomari Yllana, na gaya niya ay pawang runners-up din.

Previous winners of Miss Bebot were Paolo Ballesteros and Wendell Ramos.

Paolo (a.k.a. Paola Precious Nicole Ballesteros) was also one of the judges in last Saturday’s coronation day, along with Allan K (alias Doña Gorgonia Magalpok), Michael V. (as Fredda Torra, the alien diva), and Dennis Trillo (as himself).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Purely katuwaan lang ang Miss Bebot at walang cash prizes involved.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN