Ciara Sotto aminadong 'mas maganda' sa kanya si Paolo Ballesteros



Alangang sagutin ng young actress na si Ciara Sotto ang tanong kung sa tingin niya ay mas maganda sa kanya ang kanyang ka-love team na si Paolo Ballesteros kung nakaayos ang huli ng pambabae. Ilang beses na rin kasing nagsusuot-babae si Paolo sa Eat Bulaga! gaya noong Sabado, November 11 sa coronation day ng Miss Bebot 2006 sa Broadway Centrum.

“Matagal ko nang naririnig ‘yan e. It’s funny. Wala lang. Cute, kasi talaga namang ang ganda niya [Paolo] ‘pag naka-make-up. Para siyang si Gretchen [Barretto],” sabi ni Ciara sa backstage ng Eat Bulaga! noong Sabado.

Nilinaw rin ni Ciara na hindi siya nagkakaroon ng physical attraction sa kapwa-babae, pero inamin niyang may mga iniidolo siyang mga kabaro niya.

Aniya, “Siguro puwede ko siyang ma-admire. Pero di ako masyadong mahilig sa tisay e. Ang type kong beauty, yung tipong mga Dawn Zulueta.”

Ayon kay Ciara, bukod sa pagiging magka-love team ay matalik din silang magkaibigan ni Paolo.

“Si Paolo, very supportive,” sabi ni Ciara. “Nakikinig siya sa akin kapag may problema. I would say na strong ang relationship namin, pero di pa ganun kalalim dahil two years pa lang kaming magkaibigan.”

Nang tanungin kung boyfriend-material si Paolo, sinabi ni Ciara na, “Oo. Very gentleman, honest, trustworthy at saka maalaga naman siya. I can say na magiging ideal husband siya kasi nakikita ko kung papaano niya [i-treat] ang mommy niya, mga kapatid niya—very loving kasi and respectful.”

Binanggit din ni Ciara na madalas maging kalaro ng mommy niyang si Helen Gamboa si Paolo sa badiminton.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN