Boy Abunda nag-react sa balitang lilipat si Ai-Ai sa GMA-7


Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ang host ng ABC-CBN daily morning show Homeboy na si Boy Abunda tungkol sa napabalitang paglipat ng alaga niyang si Ai-Ai delas Alas sa GMA-7 from the Kapamilya Network.

"Sa ngayon, wala pa akong alam," simula ng King of Talk. "Kung ang ibig n'yong sabihin ay noon... Alam naman ng lahat ‘yun and I really went there [GMA-7] for a meeting regarding the Bakekang soap. Noon talaga, may offer kay Ai-Ai. Pero ngayon, wala... Wala akong alam that there is an existing offer from GMA-7."

(Ang role na in-offer kay Ai-Ai bilang Bakekang ay napunta eventually kay Sunshine Dizon.)

Sa recent interviews kasi ni Ai-Ai ay tila nagpapahiwatig siya na gusto na rin niyang bumalik sa kampo ng GMA-7—where she starred in several shows such as the sitcom 143 with Vic Sotto and Rosanna Roces—kung talagang mabibigyan siya ng offer. Lalo na ngayong natapos na ang kontrata ng comedienne sa ABS-CBN noong October 15.


Ayon sa manager ni Ai-Ai ay may mga show pa raw ang alaga niya sa Dos kaya mukhang malabo pa ang paglipat nito ngayon.

"Ai Ai is very loaded," sabi ni Boy. "Hindi naman siya nababakante sa ABS-CBN. After ng Bituing Walang Ningning, may Super Inggo na siya kaagad. Ako nga mismo yung hindi muna tumatanggap sa kanya ng iba pang commitments dahil sayang naman ang mga puwede niyang kitain ngayong [Christmas] season in terms of raket. May Maggi [na ini-endorse ni Ai-Ai] nationwide tour pa siya na talagang mag-o-occupy halos ng schedule niya."

Patuloy niya: "Saka, si Aileen [Ai-Ai's real name] naman kasi has a very good relationship in all networks—ABS-CBN, GMA-7, and even ABC-5. And at this point, may magandang usapan na naman between Ai-Ai and Channel 2, so I don't think there's a chance na mababakante siya. But of course, I cannot speak for the future. Lahat naman tayo sa business na ito, even the networks are for sale."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN