'Shake, Rattle and Roll 8' gathers Kapuso and Kapamilya stars



Kahit na dominated by ABS-CBN stars, ang GMA-7 artists pa rin ang topbilling sa Shake Rattle and Roll 8 na isa sa entries ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival this year.

Outnumbered ang Kapuso stars—almost 4 is to 1 ng counterpart nilang Kapamilya stars—sa eighth installment ng festival horror franchise ng Regal. In all three episodes, pupog ito ng mga artista ng ABS-CBN ngunit ang GMA-7 stars pa rin ang siyang mga bida.

Sa 13/F episode directed by Rahyan Carlos, topbilling si comedian Bearwin Meily of the GMA-7 sitcom Lagot Ka Isusumbong Kita over Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition winner Keanna Reeves as well as Star Circle Quest (SCQ) 1 runners-up Roxanne Guinoo and Joseph Bitangcol. Makakasama rin nila rito ang ABS-CBN regular na si Janus del Prado along with real-life husband and wife Robert Seña and Isay Alvarez. Dagdag pa rito ang mga young stars na sina Aaron Junatas, Jolina Reyes and Yuki Kadooki.

Sa Yaya episode ni Direk Topel Lee, Iza Calzado of the GMA-7 fantaserye Atlantika is in the lead role and her nemesis is Bakekang's Sheryl Cruz, also from GMA-7. Kasama naman nila ang PBB 1 winner na si Nene Tamayo, SCQ Kid na si Nash Aguas and ABS-CBN regular TJ Trinidad, now part of the Pedro Penduko episode of Komiks.

Sa LRT episode ni Mike Tuviera, headliner ang dating magka-love team na sina Manilyn Reynes of Bakekang and Keempee de Leon of Bahay Mo Ba ‘To. The couple will be joined by Cass Ponti of PBB Celebrity Edition, ABS-CBN regular Eugene Domingo, Star Magic's Mico Palanca, Empress Schuck, Sergio Garcia, Mycho Aquino, Dino Imperial and SCQ 2 runner-up Charles Christianson.

At least represented ang lahat ng batches of SCQ, ang dalawang batch ng Pinoy Big Brother and the Star Circle batch 13 down.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN