Vhong Navarro sunud-sunod ang projects sa ABS-CBN



Nagpapasalamat ang dancer-turned-comedian na si Vhong Navarro dahil after almost eight months of shooting ay tapos na finally ang pelikula niyang Agent X-44, directed by Joyce Bernal, for Star Cinema. Ngayon ay haharapin naman niya ang iba pang projects niya sa kanyang mother studio, ang ABS-CBN 2.

Nang humarap siya sa press con ng Love Spell—kasama sina Ai-Ai delas Alas, Gerald Anderson at Kim Chiu—ng ABS-CBN kahapon, November 15, sa 9501 restaurant ay mukhang bumata at fresh na fresh ang hitsura ni Vhong.

"Siguro dahil medyo nakapahinga ako nang konti, although sunud-sunod na naman ang taping ko ngayon," sabi ni Vhong nang kumustahin siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP). "Enjoy lang ako sa pagtatrabaho. Hindi ako nagpapa-facial. Body scrub lang sa clinic ni Dr. Vicki Belo."

Magsisimula nang mapanood ang Christmas presentation ng Love Spell na "Pasko Na Santa Ko," directed by Erick Salud, sa November 26 at tatagal ito hanggang December 31.

"Hindi ito ang first time na magkakasama kami ni Ms. A [Ai-Ai]," sabi pa ni Vhong. "Nagkasama na kami noon sa [TV shows na] My Juan & Onli at Whattamen; sa movie naman, sa Pinay Pie. Walang love angle sa amin ni Ms. A dito. Akala ko nga may kissing scene kami, pero wala pala. Magsisimula ito na salbahe siya pero magwi-wish ang kapatid ko sa story, si Boni [Jairus Aquino] at tatama sa kanya ang spell at magiging mabait na siya at mapagbigay.'

Samantala, ibinalita rin ni Vhong na magsisimula na siyang mag-taping para sa Buhawi Jack with no less than Judy Ann Santos as her leading lady and to be directed by Chito Roño. Ang Buhawi Jack ang papalit sa magtatapos nang Pedro Penduko sa Komiks series ng ABS-CBN.

Next year naman ay siya ang magbibida sa Lastikman, ang susunod na fantaserye ng ABS-CBN at magiging kapalit ng Super Inggo. Sa ngayon daw ay hindi pa alam ni Vhong kung sino ang makakatambal niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN