Jao Mapa makes a showbiz comeback



Pagkatapos ng almost nine years ay nagbabalik-showbiz ang dating matinee idol na si Jao Mapa. Matatandaang isa si Jao sa pinakasikat na young male stars noong ‘90s at nakilala siya nang husto sa pelikulang Pare Ko—with Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez and Claudine Barretto—ng Star Cinema.

Ayon kay Jao, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at ilang personal problems ang mga dahilan kung kaya't pansamantala niyang iniwan ang mundo ng showbiz. Pero hindi naman daw ito pinagsisisihan ng actor dahil pinag-isipan niya nang mabuti ang naging desisyon niya.

"Ginawa ko ýun para na rin sa sarili ko," sabi ni Jao sa launching ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2006 entries sa VIP Lounge ng Aliw Theater noong November 13. "Gusto ko na kasing matapos ang college course ko. Yung mga non-showbiz friends ko, tapos na sa pag-aaral nila. Ako, hindi pa nangangalahati. E importante sa akin ‘yung pag-aaral kasi pangako ko yan sa parents ko."

Aniya pa: "Hindi naman ako nagrebelde. Na-burnout lang siguro ako. I was stressed out already from my work sa showbiz at sa school. Naramdaman ko na yung hirap na ipagsabay lahat. Kaya I decided to really leave showbiz that time."

Sa ngayon, si Jao ay may tatlong anak—sina Ben (4 years old), Caleb (1 year old), at Stacey (3 months old)—sa kanyang misis na ayaw niyang ipabanggit ang pangalan. Ayon kay Jao, kasal na sila ng misis niya sa huwes at ngayon daw ay pinag-iipunan na nila ang kanilang church wedding.

"My kids are my inspiration," aniya. "Gusto ko rin kasing mapanood nila ang daddy nila. Ipapapanood ko nga sa kanila ‘yung old movies ko kapag medyo older na sila. I want them to be proud of their dad. Na once a upon a time, naging matinee idol din ako."

Nagsilbing comeback vehicle ni Jao sa big screen ang You Are The One starring Toni Gonzaga and Sam Milby. Kasama rin siya sa isa sa entries ng Regal Entertainment sa MMFF next month, ang Super Noypi na pinagbibidahan naman nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Sandara Park, Katrina Halili, John Prats, at Polo Ravales sa direksiyon ni Quark Henares.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN