Judy Ann Santos pumayat dahil sa problema sa BIR



Sabay na dumating ang reel- and real-life couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa launching ng official entries ng Metro Manila Film Festival-Philippines 2006 na ginanap sa executive lounge ng Aliw Theater noong November 13. Ang magkasintahan ang bida sa entry ng Star Cinema na Kasal, Kasali, Kasalo.

Seksing-sexy si Juday (palayaw ni Judy Ann) sa kanyang suot that time pero parang nahihiya pa siya sa kanyang bagong figure.

"Sinasanay ko pa ang sarili ko," tawa ni Juday. "Kasi hindi naman ako ganito noon. Pinaghirapan ko talaga ang katawan kong ito and everything naman paid off na maayos."

Inamin ni Juday na malaki rin ang mga isinakripisyo niya para ma-achieve niya ang kanyang sexy figure ngayon.

"Hindi naman overnight ito [ang pagpapapayat] e," sabi niya. "Sana nga kung may gano'n, ‘yun na lang, ‘di ba? Para instant na lang at hindi na ako naghirap pa."

Patuloy niya: "Almost two years din akong nagbantay ng mga kinakain ko, nag-workout at umiwas sa mga puwedeng makasira ng concentration ko sa pagpapapayat. Kaya gusto ko ngayon ang mga resulta. Kumbaga, heto na ang produkto. Puwede na akong pagnasaan ng kung sinu-sino!"

Nagbiro pa nga si Juday na isa sa naka-contribute sa pagpapayat niya ang naging problema niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan kinasuhan siya dahil diumano sa hindi tamang pagbabayad ng buwis. Ayon sa young actress, hanggang ngayon daw ay may kaso pa siya at may mga hearing na pinupuntahan.

"Nakaka-stress out din ang kaso kasi iniisip mo parati," aniya. "Kaya hindi ka makakain o makatulog nang maayos. Pero lumipas din naman ang worries ko diyan. Kumbaga, nandiyan na, sana maayos na lang nang maaga.

"Nasa korte na kasi ang kaso ko with [the] BIR kaya naghihintay na lang kami ng desisyon. Kung may hearing, uma-attend naman ako. Dusa rin kaya siguro pumayat din ako dahil diyan. Kaya thank you rin sa BIR!" biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga pinagdaanan ni Juday, nandiyan parati sa tabi niya si Ryan. Ayon kay Juday, marami na siyang natutunan dahil sa kanyang boyfriend.

"Isa sa mga natutunan ko ‘yung pag-o-organize ng finances ko," sabi niya. "Before nga nangyari ‘yung sa BIR, hindi ko kilala kung sino ang accountant ko. Wala talaga akong alam. Doon lang ako nagising sa katotohanan na kailangang alam ko rin lahat. Kung puwede nga lang pag-aralan ko ang maging accountant, gagawin ko. Pero ngayon, maayos na lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN