Jolina itinanggi na naging sila ni Marvin



Sa special episode ng GMA-7 daily morning show na SIS noong November 14, mariing itinanggi ni Jolina Magdangal na nagkaroon sila ng relasyon ni Marvin Agustin. Hanggang "mutual understanding" lang daw sila.

Nahalata ng aming source, na nandun sa loob ng studio, na parang napahiya si Marvin sa naging pahayag ni Jolina.

Samantala, sa "Balakubak" portion ng Nuts Entertainment ng GMA-7 noong nakaraang buwan, natanong si Marvin nina Joey de Leon, Janno Gibbs at Anjo Yllana tungkol sa naging relasyon nila ni Jolina. Inamin ni Marvin na naging sila, pero dahil daw sa maraming naging problema, tinapos na lang nila ang relasyon nila.

Unang nagkakilala sina Jolina at Marvin sa bakuran ng ABS-CBN 2. Ang loveteam nila ang isa sa pinakasikat na tambalan noon hanggang sa nabuwag ito nang lumipat si Jolina sa GMA-7. Pero this year ay lumipat na rin si Marvin sa Siete at muling nabuo ang loveteam nila ni Jolina.

Ayon pa sa aming source, sa pagkakaalam niya ay inabot din ng halos isang taon ang relasyon nina Marvin at Jolina. Yun nga lang daw ay away-bati ang dalawa. That time daw ay tila bad shot si Marvin sa pamilya ni Jolina.

Noong Linggo, November 12, ay nag-guest sina Jolina at Bebong Muñoz sa The Buzz at inamin ng dalawa na may balak na silang pakasal. Si Bebong, na isang abogado, ay tatakbo bilang congressman sa Caloocan in next year's election.

Samantala, sina Jolina at Marvin ay patuloy na napapanood sa horror-comedy show na Hooo U? ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN